H E N R I E T T A
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang nakalatag na uniform ng Academy sa kama ko. Ngayong araw ang unang araw na susuotin ko ang uniform ng Hurtville Academy.. and it feels so wrong. Kahit nga hawakan ko ay parang maling-mali.
Yesterday, mas narealized ko na wala akong karapatan na tumapak rito. But you know the funny thing about enemies? You have to get closer to them until you get what you want and what you have to get. At sa sitwasyon ko, I'm here to get informations. Para mapabagsak ang bayan na ito.
And I think.. that only means one thing: War. Kaya ko nga bang makakuha ng sapat na impormasyon para mapabagsak ang mga Councilors? How?
I was about to go outside the Dining Hall. Aalis na sana ako dahil hindi ko gusto ang mga titig nila, at idagdag mo pa ang mga bulungan. Wala man silang alam kung sino talaga ako at kung saan ako nagmula ay pakiramdam ko minamaliit nila ako dahil naka tapak ako sa mala kastilyong lugar na ito na para lang sa mga Hutery.. and there's no place in here for someone like me.
But Felicity and Leigh forced me to come with them. Kumakain rin sila. Wala ako sa sarili ng sumama ako sakanila kahapon. Minadali ko ang pagkain at iniwan sila ng walang paalam. Wala pa nga sigurong 15 minutes ng matapos ako. Kinukwentuhan ako ng dalawa pero para bang bingi na ako. Nasa Dining Hall ang katawan ko pero nasa ibang bagay ang utak ko.
"Henrietta, bakit hindi mo pa sinu-suot ang uniform mo?" Nag tatakang tanong ni Felicity habang bino-blower ang basa niyang buhok. Naka suot na siya ng uniform and it suits her well. Habang ako ay naka roba pa.
Kahapon ay kinuha ko ang uniform ko at schedules. May grupo ng lalake kahapon na lumapit saakin. Nagpakilala at sinabing sasamahan ako sa kung saan ko gusto. Ofcourse, I refused. I rolled my eyes and ignored them- the typical bitch Henrietta.
Sinuot ko na ang uniform. Atsaka ako humarap sa human size mirror sa isang tabi. Napa kurap kurap ako habang tinitingnan ang sarili. Dalawang way ang pag suot ng uniform na suot ko ngayon base sa kung ano ang gusto mo.
Puti ang panloob. Itim ang maiking skirt na hindi man lang umabot sa taas ng tuhod. Ang linis tingnan ng mga estudyante dahil sa uniform nila. Hindi ko pa sinusuot ang vest nila. Naroon ang logo ng Hurtery Academy. Bilog at ginto na may nakalagay na kastilyo na may sword sa magkabilang gilid. Kahit ang logo nila sa uniform, ginawang ginto. Mahabang white sock at itim na makintab na sapatos na may 2inch heels.
May isa pa silang binigay na uniform. Jogging pants na kulay black at puting tshirt na may logo rin ng Academy sa harap. Tatlong pares ang binigay nila bawat uniform. Lalagyan nalang daw nila matapos ng tatlong araw ang cabinet namin ng malinis ulit na uniform. Ano ba kami? Estudyante o mga silbihan?"The uniform is pretty cool, right?" Napalingon ako kay Felicity. "Malinis at walang gusot. Napaka presentable at pormal.."
"And it suits you well. Bagay sayo." She added.
I laughed mentally. No, you're wrong Felicity. Kapag nalaman mo kung sino ako, baka hindi mo masabi yan at itutulak mo pa ako palayo.
Sinuot ko black na vest. I'm almost real. Real Hurtery. But I never wished to be one. Lumabas ako ng kwarto ng sarili lang ang dala. Nasa pocket ng vest ko ang kakaibang papel kung saan nakalagay ang schedule ko.
Nagulat ako ng sumabay saakin si Felicity sa paglalakad. "Hindi mo man lang ako hinintay!" Pagmamaktol niya. Hindi ko siya pinansin.
"Anong first class mo?" Tanong niya. Bahagya akong lumingon sakaniya bago kunin ang papel sa pocket ko at walang imik na binigay sakaniya.
"Oh! Parehas kayo ng first class ni Leigh. Cursed studying. Pag aaralan niyo dito kung ano ang mga cursed spell na legend na sa Magic world. Pero ofcourse exception yung mga ginagawa ng mga Curse maker or creat----"
YOU ARE READING
Hurtville Academy (ON-GOING)
FantasyWelcome to Hurtville Academy where special ability of yours will unleash! This is a work of fiction, some places, names, characters, events and situations are the products of the author's imagination. Any similarities to other books and real life si...