p4: NANAY

83 15 2
                                    

Bakit pag palaging nandiyan,
Sinasamantala naman
Bakit pag palaging nakikita,
Di na tinitignan yung halaga

Sa ating henerasyon,
Sa panahon natin ngayon
Bihira na yung ganon,
Minsan ito nalang ay nagkakataon

Sana habang maaga pa
Makita natin kanilang importansya
Kasi iisa lang ang taong ganyan,
Yung taong siguradong di ka iiwan

Nag iisa lang siya sa'ting buhay
Sila din sa'tin nagbigay buhay
Buhay din natin ginawang makulay
Kaya dapat mahalin natin si Nanay

Si Nanay yung palagi tayong pinapasaya,
Kaya din ba natin sila gawing masaya?
Ang pagiging anak sa kanyang ina
Ay isa na sa makakapag pasaya sakanya

Habang maaga pa
Habang nandiyan pa siya
Hanggat hindi pa huli ang lahat
Hanggat oras mo pa ay sapat

Wag ka na mag sayang ng oras pa
Kasi di lahat nabibigyan ng tyansa
Na iparamdam sakanya na mahal mo siya
Kaya ikaw, gumising ka na
Puntahan mo ang iyong ina
At iparamdam ngayon sa araw niya
Na mahal na mahal mo siya

-zarc

               ~~~×~~~×~~~×~~~×~~~×~~~×~~~          

Happy mother's day to all mothers out there. And kayo namang mga anak laging tandaan na "actions speaks louder than words" kaya wag mag sayang pa ng oras at iparamdam niyo na sakanila na mahal niyo sila pero syempre mas masarap pa din sa feelings yung naririnig mo mismo. Btw, you must always make them feel special kahit na walang kahit na anong event, right? Okay guys this is just a reminder. Byeeee.

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon