p28: LIBRO

58 7 3
                                        

Nag simula ang ating istorya
Na parang nasa isang libro
Makulay, pero di maipinta
Sa sobra nitong perpekto
Akala mo'y wala nang problema
Tama nga naman
Ito'y simula palamang

Nag simula ito
Sa ikaw at ako
Perpekto ang ating mundo
Ang tangi lang na kailangan ko
Ay ang presensya mo,
Presensya mo na nag papasaya
Gamit ang ngiting maganda
Hay napaka saya
Kahit ikaw lang ang kasama

Kay sarap mag lipat ng pahina
Habang iniiwan ang mga alaala
Na napakagaganda
Na yung tipong iyong inakala
Na sa dulo ay tayo na

Pero nung tayo'y nasa gitna
Na ng ating istorya
Tila nag bago ang lahat
Na parang ayoko na ilipat
Ang pahina ng libro
Dahil biglang nanlabo
Ang pagmamahal mo
Saakin sinta ko

Bakit biglang nagka ganon?
Sa mga alaala nating naipon
Bakit bigla itong natapon?
Tinapon mo ang mga pangako,
Pangako na binitawan mo
Nag sumpaan pa tayo
Na hanggang sa huli
Tayo ay mananatili
Pero bakit nag iba ang pinili?
Mas pinili mo kong iwan
Sa ating istoryang sinimulan

Sabay tayong naglilipat
Ng pahina habang nakalapat
Ang kamay ko sa kamay mo
Kaso bigla kang bumitaw
At di na muling lumitaw

Gusto kong balikan
Ang bawat pahina
Na sabay sinimulan
Pero kailangang matapos na
Kahit napaka sakit man
Kailangan kong tapusin magisa
At hindi ka kasama

Nag simula tayo
Sa ikaw at ako
Pero bakit natapos ito
Na mag isa nalamang ako
Sa bawat istorya
Ang lahat ay may wakas
Yung iba ay masaya
Pero ang iba naman ay lumipas
Nang hindi masaya

Katulad ko nalang
Na tatapusin ang ating libro
Na kahit hindi ako
Ang iyong ginusto
Hanggang sa dulo
Ikaw parin ang mahal ko
Pero tatapusin ko na ito
At isasara na ang ating libro
Paalam na sinta ko

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon