Nandirito ka na naman
Hindi ka naman maiwasan
Hindi ka rin mapagtiisan
Hindi ka rin maiwan
Hay, mag pakatanga na namanNandito ka pala ulit
Siguro ay para mangulit
O kaya naman ay mamilit
Pwede ring sadyang lumapit
Sakin ka nalang kasi kumapitSa bawat pag lapit mo
Di ko maiwasan ang mga ito
Mahalaga ka talaga sakin siguro
Sana naman ay ganun din sayo
Di mapigilan, umasa na naman akoSa bawat pag katok mo sa pinto
Laging nag dadalawang isip dito
Pero ang laging pinipili ko
Ay kahit saglit kang makasalo
Sa pag daan ng mga oras koAng saya na naman natin
Katotohanan gusto munang limutin
Oras na kasama ka ay sulitin
Pilit ko man itong gustuhin
Saglit ka lang pinahiram sakinMay bagong kumatok sa pinto
Tumayo ako para buksan ito
Bumungad sakin ang mahal mo
Sumampal naman sakin ang totoo
Pang palipas oras nga lang pala akoSa pag alis niyo pareho
Sinarado ko na ang pinto
Patapos naman na ang araw ko
Hihintayin nalang ang bukas na bago
Babalik ka naman ulit ditoSa pag balik mo ulit
Mag papakatanga ulit
Papapasukin ka ulit
Magpapakasaya ulit
Tapos iiwan mo ko ulitSa saglit ay masaya na ko
Kahit hindi ako ang inuuna mo
At naisip lang pag kailangan mo
Handa naman ako lagi dito
Para maging pang palipas oras mo-zark

BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Poesíait's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.