p10: IMAHINASYON

64 12 0
                                    

Kay sarap imulat ng mga mata
Ikaw agad ay bumugad sa umaga
Di maipaliwanag ang saya
Dahil ikaw ay nakatabi sa kama
Kay sarap mo pagmasdan matulog
Ang ganda mo ay nakakahulog
Umaga ko ay mas lumiwanag
Dahil napakaganda mong dilag

Nang ikaw ay magising sinta
Ako'y napatingin sa'yong mga mata
Sa ganda nito'y tila nang aakit
Ito ay iniwasan at mariing pumikit
Sa mariin kong pag pikit
Nadama ang labi mong dumikit
Sa labi kong sayo ay sabik
At tinaggap ang bawat halik

Itong sayang nararamdaman
Sayo lamang nararansan
Ayoko nang matapos itong araw
Bumubuo ng araw ko ay ikaw
Hindi ko na mahintay ang bukas
Ang oras ay mabilis na lumipas
Wala nang ibang makakaistorbo
Mag pakasasaya nalang tayo

Sa'yong halik ay bumitaw
Ang saya ay nag uumapaw
Sinubukan kang yakapin
Pero tila isa lang itong hangin
Kaya ang mata ay minulat
Bumalik na sa dati ang lahat
Napatingin sa blankong kama
Wala na nga pala akong kasama

Ang masasaya nating gawain dati
Sa isip nalamang ginugunita
Dahil di na yun magagawa muli
Dahil iniwan mo na ako mag-isa
Kaya ang ginagawa ngayon
Ay sumabay nalang sa alon
Ng mapaglarong panahon
At iniisip ka nalang sa imahinasyon

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon