Matagal tagal narin tayo
Na hindi nagkakasama
Hindi na rin tayo nagkikita
Bigla ka nalang kasi lumayo
Hindi naman nagpaalam
Wala ring kahit anong liham
Parang kailan lang di ba
Wala tayong gustong iba
Tapos nang iwan ka bigla
Walang nakakaalam kahit silaAraw araw nakaabang
Nag babaka sakali nalang
Inaabangan lagi ang tawag
Baka maisipan mo tumawag
Nakatambay madalas sa labas
Umaasang di pa ito ang wakas
Maski sa pagpikit ng mga mata
Ikaw pa rin ang aking nakikita
Sakin sana ay magpakita ka na
Iintindhin kahit anong dahilan paBagong umaga na naman
Di ka pa rin nasisilayan
Saking cellphone ay napatingin
Mayroong tumatawag sakin
Tuwang tuwa ako sa nakita
Ako ay hindi makapaniwala
Ikaw kasi ang tumatawag
Agad agad sinagot ang iyong tawag
Nangibabaw ang saya
Nang marinig ang tinig mo sintaSa akin ay gustong makipagkita
Kaya nagbihis ng mabilisan
Siniguradong maayos sayong mata
Sabik na sayo makipag tawanan
At talagang doon mo pa gusto
Makipagkita sa kainan
Na talaga namang ating paborito
Walang oras na sinayang
Pagkadating sa paroroonan
Ay sa kotse agad bumabaInayos nang maiigi ang damit
Siniguradong walang sabit
Ngumiti ng walang katulad
Naglakad ng di makupad
Pagkahawak sa pinto
Ay ibang kaba ang nadama
Kaya huminga ng malalim
At ngumiti para sayo
Tsaka tumuloy na sa pinto
Bago pa ang langit ay dumilimPagkapasok ay agad ka hinanap
Nahanap ka sa paboritong pwesto
At sakin ka ay napasulyap
Ang iyong ngiti ay nagbago
Tila meron kang tinatago
Ang iyong mata ay nangungusap
Parang gusto nito makipagusap
Kahit ganoon ay pinilit ngumiti
At umupo na sa iyong harap
Sisiguraduhing sulit ang mga sandaliBawat sandali ay bumibigat
Sa katotohanam ayaw dumilat
Pero kailangan malaman
Kung ano ba talaga ang dahilan
Kaya hindi na nagpaligoy pa
Sayo ay nagtanong na
Pero hindi mo ako sinagot
Kalungkutan biglang bumalot
Sa di malamang kadahilanan
Bigla kang tumayo saking harapanSa iyong pag tayo
Paligid ay huminto
Ako ay nanlumo
Luha ay tumulo
Nanikip ang dibdib
Gustong magtago sa liblib
Nasaktan ako sa nakita ko
Kaya mo palang gawin ito
Hindi ko na ata kaya to
Sobrang sakit ng nadarama koAng pinaka masakit sa lahat
Habang ginagawa ko ang lahat
Nagpapakasaya ka pala sa iba
Mga pangarap natin ay nagiba
Ang ating walang hanggang
Nagkaroon ng hangganan
Hindi pa pala ako sapat sayo
Sana naman ay sinabi mo
Tapos bigla ko malalaman buntis ka
At ang malala ay hindi ako ang ama-zark
![](https://img.wattpad.com/cover/148002858-288-k488579.jpg)
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Şiirit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.