p30: MENSAHE

44 6 1
                                    

ito ang mensahe ko para sayo
sana ito ay mabasa mo
pinag isipan kong maigi ito
ayokong malungkot ka dito
sa akin nanggaling ito mismo
bihira mangyari ang ganito
kaya basahin mo nang maayos ito

may sampung mensahe akong sasabihin
kaya dapat ay wag kang mainipin
magiging matagal ang gugugulin
pero sisiguraduhing oras di sasayangin

una, sisimulan ko sa salamat
sa ligayang walang katapat
sa pananatiling matapat
sa pagbibigay sakin ng pag asa
sa pag aalaga sakin nang sobra
sa pagtitiis sa kakulitang madalas na
sa pag pili mo sa akin
sa pag mamahal mo sa akin
sa pag tupad sa pangako mo sa akin
sa pagbuo ng buhay na nawala sa akin

pangalawa, gusto kong humingi ng tawad
patawad kung seloso ako
patawad kung ganito lang ako
patawad kung madami siyang lamang
patawad kung madalas akong mahibang
patawad kung naikukumpara ko sarili ko
patawad kung mas magaling siya sa tulad ko
patawad kung madrama na naman ako
patawad kung pinipilit kita sa kanya
patawad kung di kita masyado napapasaya

pangatlo, ako ay mangangako
na di ako magbabago
na di ako lalayo
na di kita sasayangin
na di kita hahayaang apihin
na mamahalin ka nang sobra
na gagawin ang lahat ng kaya
na ipaglalaban ka
na pipiliting ikaw na maging huli
na handang magsakripisyo para sayo muli

pangapat, handa ako sa lahat ng mangyayari
gagawing matatag ang sarili
makita ka lang na masaya
ako na rin ay sasaya
kung hindi man tayo hanggang huli
tatanggapin ko kahit hindi madali
magsasakripisyo kahit sarili
hindi mo naman kailangan mamili
hindi mo kailangan manatili
basta maging masaya ka lang hanggang sa huli

panglima, kaya kong magsakripisyo
hindi ako magiging madamot sayo
kung mahihirapan ka man sa dulo
ako na mismo ang lalayo
para di na maging mahirap para sayo
pero kung sakaling maisipan mo
na bumalik sa tabi ko
wag ka mag alala nandito pa rin ako
isasakripisyo ko ang lahat para sayo
kaya sabihin mo lang at tutupad ako

panganim, unahin mo ang sarili mo
huwag gugutumin sarili mo
huwag papagurin masyado sarili mo
huwag hanyaang malungkot sarili mo
huwag isipin ang sinasabi ng ibang tao
huwag papabayaan ang sarili mo
ingatan mo ang sarili mo
ingatan mo ang puso mo
mahalin mo ang sarili mo
gaya ng pag mamahal ko sayo

pangpito, mamimiss kita
hindi ako nakikipag hiwalay ha
sinasabi ko lang ito
dahil di ko maisip na wala ka sa tabi ko
kung sakaling manyari man ito
mamimiss ko ang lahat sayo
sana ay ganun din ako sayo
kahit napaka walang kwenta ko
mamimiss kita pag nawala ka
dahil wala nang papalit na iba pa

pangwalo, sana ikaw na
sana ikaw na yung makakasama ko
sana hanggang sa huli tayo
sana hanggang sa altar magkasama tayo
sana hanggang sa huling hinga ko kasama kita
sana ikaw lang makatabi ko sa pag tulog
sana ikaw lang yung pagsisilbihan ko
sana sayo nalang ako paulit ulit na mahulog
sana hanggang dulo walang magbabago
sana hanggang dulo tayo

pangsiyam, mahal na mahal kita
sayo lang ako nagkaganito sinta
hindi ko alam kung anong meron ako
at napili mo pa ay ako
mahal kita higit pa sa sarili ko
ikaw lang ang pinakilala ko sa pamilya ko
dahil sigurado ako sayo
sabi kasi nila ang dapat dadalhin ko
ay isa lang, yung una at magiging huli ko
at ikaw yun mahal ko

pangsampu, ang pinaka huli
salamat sa pagiging matiisin sa kagaya ko
patawad sa pagkukulang na wala ako
mahal kita sa pagiging ikaw
hindi man ako ang  iyong una
pipilitin kong maging huli mo na
pero kung mapag tanto mo
na mahal mo pa pala ex mo
handa akong isakripisyo kung anong meron tayo
ganyan kita kamahal, eu te amo tanto

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon