Ikaw ang lagi nakakasama
Sa lungkot man o sa saya
Halos lahat ay naibigay mo na
Pero parang may kulang pa
Ang gusto pa rin ay ibaKahit ilang beses ka na tinaboy
Tila isa kang matatag na apoy
At napaka tibay na kahoy
Dahil di mo nagawang sumuko
Hanggang ngayon ika'y nanditoPatawarin mo sana ako
Kung di agad nakita halaga mo
Maiintindihan naman kita
Alam kong napapagod ka na
Pero may gustong sabihin munaNung ikaw ay sumusuko na
Tila ako ay nadismaya
Kasi ako ay nakahanda na
Upang ikaw ay ibigin na
Patawad kung ako ay nahuli naAng dami kong pinagsisisihan
Kaya mo siguro ko tinalikuran
Kasi di mo naramdaman
Na sakin ay mahalaga ka naman
Sana kayang ibalik ang nakaraanNgayong ako ay iniwan
Sobra kang pinang hihinayangan
Ang dami ko palang nakalimutan
Ako sana ay pag pasensyahan
Kung di ka napahalagahan-zark
![](https://img.wattpad.com/cover/148002858-288-k488579.jpg)
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Şiirit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.