p7: TULAD MO

55 15 2
                                        

Sa maikling panahon
Nagkaroon ng pagkakataon
Na makilala ko
Ang isang tulad mo

Tulad mong mabait,
Kahit sa pag ibig ay mapait
Tulad mong simple,
Pero maganda ang timbre
Tulad mong masayahin,
Kahit na sawi rin

Marami pang gustong sabihin
Kaya sana ay di ka mainipin
Sa mga sinabi ko
At sasabihin ko
Di ko ito kabisado
Pero ako ay sigurado
Na mapalad ako
Na may nakilala ako
Na isang tulad mo
Na kaya akong pasayahin
Kahit sobra kong iyakin
At kayo mong baliktarin
Ang mood kahit di pilitin

Sandali man ang panahon
Na binigay satin ng panginoon
Parang kilala na kita nang taon
Ang aking atensyon
Sayo nalang nakatuon
Kaya nung sinabi mo
Na di mo na ko kakausapin
Sobra kong nalungkot
Kasi ang hirap isipin

Sa pagkakatanda ko
Wala akong nagawang mali sayo
Bat mo ko kailangan iwan dito
Biglaan naman yata ang alis mo
Kakalimutan mo din ba ko
Sana naman ay di ganon
Kasi sa palagay ko
Di ko kakalimutan ang tulad mo

Kaya salamat sa saglit
Na pag papangiti
At pag paparamdam sakin
Na kaya pala kong mahalin
Sa kung ano ako
Kaya sa paglayo mo
Aaminin ko
Hindi ko ito gusto

Kahit ito ay masakit
Dahil wala nang kapit
Tatanggapin nang nakapikit
Ikaw ay namaalam sakin
Di kita kailanman lilimutin
Dahil ang tulad mo
Ay napaka sarap mahalin
Ano pa man ang sabihin mo
Mag hinhintay lang ako dito
Hanggang sa pag babalik mo
Pangako ko sayo
At wala tong halong biro
Di ako mag babago
Para sa isang tulad mo

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon