p29: DATING TAYO

40 8 1
                                    

Nagsimula ang lahat
Nang hindi inaasahan
Ikaw na pala ay katapat
Hindi pa namalayan
Maulang gabi noon
Di nakikisama ang panahon
Kahit anong dalangin
Ulan di kayang pigilin
Pero ako ay mapalad
Ibang dasal ko ang natupad
Ikaw ay aking nasilayan
Sa gitna ng gabing maulan

Nang tumila Ang ulan
Ngiti ay di mapigilan
Napakaganda ng mga bituin
Sayo ako ay napatingin
Sa bituin ay mas maganda ka
At talagang gulat sakin ang dala
Agad kong hiningi pangalan mo
Para muling magkita tayo
Laking pasasalamat ko
Dahil di mo pinag damot ito
Pangako di pa ito ang huli
Makakausap at magkikita tayo muli

Sa bawat pag uusap natin
Lahat ito ay di kayang limutim
Sa bawat pag kikita natin
Lahat iyon ay mahalaga sakin
Sa bawat araw na nag dadaan
Lahat iyon di kayang mapantayan
Sa bawat bagay na pinagsasaluhan
Lahat iyon aking iingatan
Sa bawat tawa na dulot mo
Lahat iyon ay susuklian ko
Sa bawat paglapit mo
Lahat iyon nagpapatigil ng mundo

Sa ating simula
Sakin ay mahalaga ka na
Pero ayoko munang sumugal
Ayoko pang maging tayo
Dahil wala pang kasiguraduhan
Alam ko na ikaw na ay mahal
Pero baka masaktan kita
At yun ang pinaka ayoko
Ang masaktan kita
Masaktan yung babaeng mahal ko
Ang nag pabago sa tulad ko
Ang babaeng pinaka mamahal ko

Ilang buwan na ang nagdaan
Ako ay nahulog nang tuluyan
Ako ay sumugal para sayo
Hinayaang mahulog sarili ko
Gusto ko ay akin ka
Akin ka nalang sana
Hindi ko na mapigilan
Napatanong na ko sayo
Kung pwede ay maging tayo
At hindi ka nag paligoy pa
Ako ay agad sinagot mo na
At naging tayo nang dalawa

Bawat saglit kasama ka
Ay talagang kakaiba
Napaligaya mo ko nang sobra
Kahit sa mga simpleng bagay
Ito ay malaki ang saysay
Mahal na nga talaga kita
Wala nang makakapag bago pa
Ang nararamdaman ko ay seryoso
Ang lahat ay di nalang biro
Minsan lang dumating ang tulad mo
Sa buhay ng tulad ko
Kaya di ka hahayaang lumayo

Ang lahat ng masasayang araw
Ay natapos nalang bigla
Nanlabo ang lahat pati ikaw
Nanlamig ang dating baga
Gumuho ang dating mataas
Nangitim ang dating makulay
Nandilim ang dating maliwanag
Nabasag ang dating matibay
Nangonti ang dating umaapaw
Kinapos ang dating lagpas
Nag bago nang di maipaliwanag
Maibabalik pa Kaya ang dating tayo

Maibabalik pa kaya kung suko na
Maibabalik pa kaya kung sawa ka na
Maibabalik pa kaya kung ayaw mo na
Maibabalik pa kaya kung pwede pa
Maibabalik pa kaya sa normal
Maibabalik pa ba kita
Maibabalik pa kaya kita sakin
Maibabalik pa kaya sa pag aangkin
Maibabalik mo pa ba
Sa ayos ang puso kong wasak na
Maibabalik pa ba ang tiwala ko
Maibabalik pa ba ang dating tayo

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon