Kay sarap imulat ng mga mata
Ikaw agad ay bumugad sa umaga
Di maipaliwanag ang saya
Dahil ikaw ay nakatabi sa kama
Kay sarap mong pagmasdan matulog
Ang ganda mo ay nakakahulog
Umaga ko ay mas lumiwanag
Dahil napakaganda mong dilag
Nang ikaw ay magising sinta
Ako'y napatingin sa'yong mga mata
Sa ganda nito'y tila nang aakit
Ito ay iniwasan at mariing pumikit
Sa mariin kong pag pikit
Nadama ang labi mong dumikit
Sa labi kong sayo ay sabik
At tinaggap ang bawat halik
Itong sayang nararamdaman
Sayo lamang nararansan
Ayoko nang matapos itong araw
Bumubuo ng araw ko ay ikaw
Hindi ko na mahintay ang bukas
Ang oras ay mabilis na lumilipas
Wala nang iba pang makakaistorbo
Mag pakasasaya nalang tayo
Sa'yong halik ay bumitaw
Ang saya ay nag uumapaw
Sinubukan kang yakapin
Pero tila isa na lamang itong hangin
Kaya ang mata ay iminulat
Bumalik na pala sa dati ang lahat
Napatingin sa blangkong kama
Wala na nga pala akong kasama
Ang masasaya nating gawain dati
Sa isip nalamang ginugunita
Dahil di na yun magagawa muli
Dahil iniwan mo na ako mag-isa
Kaya ang ginagawa ngayon
Ay sumabay nalang sa alon
Ng mapaglarong panahon
At iniisip ka nalamang sa aking imahinasyon
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon
Tamang balik balikan ang lumipas na panahon
Dahil magkaiba ang noon sa ngayon
At ang napaka tagal nang nakabaon
Hindi na muling magiging parte pa ng ngayon
Kung noon nasakanya ang iyong atensyon
Ngayon subukan mo namang sa iba ito ituon
Simulan mo na ang unang hakbang ngayon
Imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan
Katotohanang ikaw ay nagawang iwanan
Iniwan ka at hindi ka na babalikan
Di na babalik dahil matagal nang nawalan
Nawala na ang init ng dating nagbabaga
Napalitan ito ng lamig sa iyong pagkawala
Nawala nang di man lang nakakapaghanda
Kaya ngayon kahit kaunti ay wala ng natira
Hanggang ngayon sariwa pa rin ang lahat
Ultimo ang temperatura ng iyong balat
Ngunit napakahirap kumapa at sumalat
Habang nakapikit dahil takot dumilat
Sa katotohanang ikaw ay wala na
Wala na pero andito pa rin ako sa selda
Nakakulong sa ating masayang alaala
At di makawala dahil bigla kang nawala
Sinabi mo noon na tayo hanggang dulo
Pero bakit ngayon naiwan akong magisa dito
Tila ako'y nakakulong at di makawala
Dito sa rehas na aking gawa gawa
Hindi ka matanggal sa aking imahinasyon
At sa reyalidad ay isa ka nalamang ilusyon
Pero hindi pwedeng manatili nalang sa dulo
Hindi pwedeng mundo'y sayo nalang huminto
Sinubukang imulat ang mga mata
Sa reyalidad na ikaw ay wala na
Di na kita makikita pagkagising sa umaga
Di na muling masisilayan ang iyong ganda
Di muling magaalab ang dating nagbabaga
Di ka na muling mayayakap pa
Kailanagn ko nang kumawala
Dito sa rehas ng nakaraan nating dalawa
Alam kong ako ay nangako sa'yo
Pero wala ng dahilan para maghintay sa dulo
Nawa'y maging masaya ka kung nasaan ka na
Noon wala akong ibang hiling kundi ang sumaya ka
Ngayon ay para sarili ko naman
Papalayain na ang sarili mula sa nakaraan
Itutuloy na ang unang hakbang na nasimulan
Maraming salamat sa lahat, paalam
-zark
*°°°°°*°°°°°*°°°°°*°°°°°*°°°°°*°°°°°*°°°°°*
Ps: this poem is part 2 or karugtong of "P10: IMAHINASYON" i hope you'll like it. Sorry for long wait sa next update. Don't have time na talaga sa pagsusulat and i actually used this pieace of mine for my spoken word poetry at our school. Thank you and God bless sa mga nag stay diyan. 😁
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Poetryit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.
