Sa pag daan ng mga alon
At sa paglipas ng panahon
Kahit di tayo sumang-ayon
Kahit gaano itago sa kahon
Ibang iba na ang noon
Sa nangyayari ngayonKung noon ay magkasama tayo
Ngayon ay nagkahiwalay na tayo
Kung noon ay masaya tayo
Ngayon ay malungkot na ako
Kung noon ako yung mahal mo
Ngayon isa nalang akong alaala moKahit bali-baliktarin ang mundo
Di na maibabalik ang noon
Sa kasalukuyan ngayon
Kaya ngayon naiisip ko
Bakit di ko ginawa ito noon
Siguro di ako nagsisi ngayonPero kahit anong mangyari
Salamat sa iyong ibinahagi
Malaking parte ka ng nakaraan
Hindi ko ito malilimutan
Di ka man bahagi ng aking ngayon
Kumumpleto ka naman saking noonDi ko gustong kalimutan ang noon
Pero para maging maayos ang ngayon
Magiging aral nalang ang noon
At di na maapektuhan ngayon
Salamat sa pagmamahal mo noon
Sana masaya ka na ngayonDi man bahagi ng walang hanggan
Hinding hindi kita tatalikuran
Natapos man ang magpakailan man
Sakin man wala na nararamdaman
Simula noon hanggang ngayon
Pagmamahal parin ay ganon-zark
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Puisiit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.