p15: LABO

42 10 0
                                        

Akala ko paningin ko lang malabo
Pati pala mga pinapahiwatig mo
Pwede bang sakin ay sabihin mo
Kung ano ba talagang meron tayo
Kasi gulong gulo na talaga ako

Masaya naman tayo pareho
Pero parang di ako kuntento
Nagbibigay ka ng mga motibo
Pero sayo naman ay di sigurado
Sana naman ipaintindi sakin to

Pag may iba kang kasama
Gusto kitang kunin sakanila
Pero pano naman gagawin
Hindi ka pa naman akin
Mas malabo ka pa sa paningin

Hindi ka naman humihindi satin
Pero di ka naman umo-oo sakin
Pwedeng bang ito ay linawin
Gusto kitang mapasakin
Dito ka nalang kasi sakin

Gusto kong makuntento
Pero mahirap yung ganto
Wala tayong kasiguraduhan
Wala tayong pagkakaintindihan
Hirap naman ng ganito
Mas malabo ka pa sa mga mata ko

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon