Gulong gulo ang utak
Luha'y bigla nalang pumatak
Sa di malamang dahilan
Kayong dalawa ay kailangan pagpilian
Ikaw, lagi kang nanggugulo sa isipan
Nandiyan ka palagi pag kailangan
Isa ka sa ginugusto ng karamihan
Pero bakit tingin lang sayo'y kaibigan
Kaya siguro hindi ikaw ang nagustuhan
Kasi siya lagi ang laman ng isipan
Hindi kami pareho ng nararamdaman
Pero di ko siya magawang talikuran
Ano ba ang paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Ikaw ba na mahal ako
O siya na mahal ko
Mahalaga kayo sakin pareho
Pero di naman maari ito
Di maaring dalawa kayo sa buhay ko
Nahihirapan akong pumili ng isa sa inyo
Ikaw ay palaging mahalaga sakin
Pero ayokong samantalahin ka
Siya talaga ang nagugustuhan ko
Pero di naman ako ang kanyang gusto
Ikaw ay ayaw samantalahin
Siya naman ay ayaw pilitin
Kaya naman napagisipan ko,
Mas mabuting mag isa nalang ako
-zark
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Poésieit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.
