p23: SILIP

30 9 0
                                    

Kung may pagpipilian
Na maaaring balikan
Pipiliin ko ating nakaraan
Kahit saglit lang masulyapan
Mabalikan lang ang kasiyahan
Ito lang ulit ay maramdaman
Kahit saglit lang masilayan
Sadyang di kita makalimutan
Masilip sana ulit ang nakaraan

Kung pwede lang makabalik
Susulitin ang iyong bawat halik
Nanamnamin ang bawat yakap
Na tila lumilipad sa alapaap
At hahawakan ka ng mahigpit
Sisiguraduhing di bibitaw sa kapit
Papahalagahan ka din ng sobra
Para sating byahe di ka na pumara
Lahat ay aking isasakripisyo
Maibigay lang ang lahat sayo

Kung ako'y bibigyan ng pagkakataon
Hindi sasayangin ang panahon
Ipaparamdam ko pagmamahal ko
Kung di man sapat ang nabigay sayo
Nung unang pagkakataon natin
Ngayon ay aking sisiguraduhin
Na ibibigay ang lahat ng akin
Ikaw lang ay pasayahin
Kaya sana ay hayaan ng makasilip
Sa nakaraan na tayo ang kalakip

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon