p22: KUNWARI

38 9 1
                                    

Sabihin mo na sakin
Handa ko 'tong intindihin
Kahit ano pa ang dahilan
Masabi lang nararamdaman
Lahat handa kong tiisin
Manatili ka lang sa akin

Ibibigay ko ang lahat sayo
Ipapakita lahat ng kaya ko
Iiwasan lahat ng ayaw mo
Susundin lahat ng gusto mo
Protektahan ka hanggat kaya ko
Gagawin ko lahat para sayo

Lahat ay makakayanan
Huwag mo lang ako bitawan
Ayoko na ulit masaktan
Di kayang mahulog sa kawalan
Kakayanin kong ipagsapilitan
Ang mali sa tama,wag mo lang iwan

Iisipin kong tama ang mali
Mag bubulag bulagan muli
Kahit na alam kong hindi
Gusto kong kasama ka sa huli
Kung pwede sana akong mapili
Kahit mahalin kunwari

Huwag mo lang ako iwan
Kahit ang lahat ay palabas nalang
Kahit ang lahat ay sapilitan
Kahit ang lahat ay peke nalang
Kahit ang lahat ay hindi mahalan
Kahit ang lahat ay kunwari nalang

Ayos lang sakin ang lahat
Kahit ang pag-ibig ay di sapat
Basta ikaw ay makasama lang
Maging pag-ibig ay kunwari nalang
Kahit di na katulad ng dati lahat
Pipilin kong magkunwari nalang

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon