p14: HAGDAN

48 12 2
                                    

Dito sa hagdan na napaka taas
Gusto agad takbuhin pataas
Sa layo nito'y mauubusan ng lakas
Ngunit para sayo magiging matikas
At pagmamahal ay di kukupas
Sinseridad ay gusto ilabas
Isip ay handa sayo ibukas
Kaya di mamadaliin o kakaripas
Dahil ikaw ay nag hihintay sa taas
Kaya sana ay wag kang tumakas

Sa bawat hakbang paakyat sa'yo
Sobra ang naging kaba ko
Tila maraming hadlang dito
Maraming pumipigil sa gusto ko
Naglilisawan ang mga negatibo
Pero hindi mag papatinag dito
Magiging malakas para sayo
Lalagpasan ko hanggat kaya ko
Pagtitiisan ang hagdan na 'to
Dahil daan ito patungo sayo

Pagdating sa gitna ng hagdan
Mas humirap ang dinadaanan
Gusto na sana isuko ang laban
Pero di maari ipagpaliban
Kailangan ipakita ang katapangan
Kahit gaano pa karami maglitawan
Ito nalang ay tatawanan
Dahil pag ito ay napag tagumpayan
Ako ay nakalagpas, ito ay maiiwan
At makakasama ka sa dulo ng hagdan

Malapit na ako dumating sa dulo
Sabik na ko makasama mo
Kukumpletuhin ko ang araw mo
Papasayahin ka hanggat kaya ko
Kapag ikaw na ay nakasama ko
Di ka hahayaang mawala sa mata ko
Gusto lagi masilayan ang ganda mo
Laging paparamdam pagmamahal ko
Malapit na ako mahal ko
Sana ay mahintay mo pa ko

Natatanaw na ang dulo ng hagdan
Mata natin ay nagkatamaan
Bakit parang may lungkot na nakita
Parang di ka masaya na ako'y makita
Hahakbang na sana muli sa hagdan
Pero bigla mo akong pinigilan
Dahil may lalaking lumapit sa'yo
May nauna na pala sakin dito
Hindi ko alam kung tutuloy ba ko
O bababa nalang at iwan ka dito

Sobrang pagod ang naramdaman
Sobrang sakit ng nasilayan
Ayaw sana kitang iwan
Gusto sana kitang lapitan
Kaso wala akong karapatan
Kasi ako ay naunahan
Kaya bababa nalang sa hagdan
Patawarin mo ko kung natagalan
Bibitawan ka dahil yun ang mainam
May sumalo na sa'yo, paalam

-zark




EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon