Ang mga pangako ko
Hindi na magiging totoo
Sana ay mapatawad mo ko
Pag pasensyahan mo sana koSa dinami rami ng pangako
Na binitawan ko sayo
Madami naman akong natupad
Isa lang ang hindi natupad
Yun ay ang di kita iiwanKinailangan kitang iwan
Para hindi ka na maguluhan
Para hindi ka na mag isip pa
Para hindi ka na mahirapan pa
Para maging masaya na kayo
Para di na kayo maistorboAlam kong nangako ako
Na hindi ako lalayo
Pero mahirap magkunwari
Magkunwari na okay lang
Na ang lahat ay ayos lang
Na kaya ko pa naman
Na hindi ako nasasaktanPasensya ka na talaga
Di ko naman sinasadya
Di ko sinadyang mahulog
Kahit sa pag tulog
Laman ka ng panaginip ko
At tuwing pag gising ko
Ikaw agad ang gustong makita
Pero hindi pwede, kasi andiyan siyaPasensya ka na sa lahat
Pasensya kung di sapat
Pasensya saking pagbitaw
Pasensya sa pusong ligaw
Ang isip ay gusto kang bitawan
Ang puso ay gusto kang hawakan
Pero di maari ang lahat
Ang lahat ay ayaw lumapat
Dahil hindi ito eksaktoPasensya ka na
Kakayanin ko mag isa
Kakayaning wala ka
Kakayaning masaktan
Maging masaya ka lamang
Alam kong ayaw mo
Pero kailangan gawin ito
Iiwan na kita
Kasi andiyan na siya
Pasensya ka na-zark
![](https://img.wattpad.com/cover/148002858-288-k488579.jpg)
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Poetryit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.