Sa pag lubog ng araw
Tila nawalan ng ilaw
Di narin nakakasilaw
Nawala din pati ikaw
Sa isang iglap
Saglit lang napakurap
Napatingin sa ulap
Ikaw ay wala na sa yakap
Ang gabi ay lumamig
Dahil wala ka saking bisig
Sarado ang bibig
Naghihintay sa iyong himig
Ako ay napapikit
Hindi ko alam kung bakit
Bigla ka nalang bumitaw sa kapit
Tumulo ang luha sa sakit
Nabasa ang mga unan
Di ka mawala sa isipan
Di kita makalimutan
Pwede ba muna natin pagusapan
Ang buwan ay umangat
Liwanag nito ay di sapat
Binigay ko naman lahat
Sayo din ay naging tapat
Ang araw ay katulad mo
Dahil tinalikuran din ako
Di man ako perpekto
Mahal kita sigurado
Bagong araw ay magsisimula
Iba parin ang iyong kasama
Kitang kita sa mata
Masaya ka sakanya
katulad ng araw at buwan
Ako nalang ay dadaan
At ikaw ay hahayaan
Kahit ako ay iyong iniwan
Gusto kong maging masaya ka
Kung hindi sakin talaga
Papalayain na kita
Sana maging masaya ka sakanya
-zark
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
شِعرit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.
