Tulad ng isang buhangin
Ang iyong pagtingin
At pagmamahal sakin
Na pag dumating ang hangin
Unti unting mawawala
At pag ito naman ay anurin
Tuluyan na itong mabubura
Mawawala at mabubura
Parang madali lang talaga
Pero para sakin ay mahirap palaNoong una ay katabi ka
Nag sasaya tayong dalawa
Nakaupo sa buhanginan
Napaka ganda ng nasa harapan
Pagtatagpo ng araw at karagatan
Habang tayong dalawa naman
Magkahawak ang mga kamay
Ang ulo mo sakin nakadantay
Ang mga puso natin magkapantay
Tila walang makakapag hiwalaySa pag hampas ng mga alon
Lumilipas ang panahon
Alam kong di lang nagkataon
Kahit hindi tayo sumang ayon
Talagang may pagkakataon
Na susubukin tayo ng tadhana
Pero sa atin pa rin ito nakatakda
Kung tayo ay lalaban pa ba,
Kung tayo ay susuko na ba,
O tayo ay maghahanap na ng ibaPero ang ating napili
Ay mali, ang iyong napili
Ang maghanap pa ng iba
Habang takip silim
Bumibitaw ka na pala
At lumalayo ka na pala
Sa pagtagpo ng araw at karagatan
Hindi ko na talaga namalayan
Nakatagpo ka na pala ng iba
At ang paligid ay tuluyang dumilimWalang saysay na ang pangako
Dahil iniwan mo na ako
Wala na ang mga sumpaan
Na inukit sa buhanginan
Kasabay ng inyong pagtagpo
Tuluyan na itong nag laho
Dahil nakahanap ka na ng bago
At pinabayaan mo nalang ako
Na parang wala lang ako sayo
Makakaya ko naman to siguroSa aking pag tayo
Kasabay naman nito
Ang pagyakap sa akin
Ng malamig na hangin
Kahit madilim na
Sisikapin ko pa
Na sundan kayo
At ang mga yapak ninyo
Na nakabakat sa buhangin
At malinaw para sa akinAko ay magbabaka sakali
Na hindi pa ito ang huli
Baka maisipan mong bumalik
Ako sayo ay talagang sabik
Makikita mo mga yapak sa buhangin
Habang hindi pa ito hinahangin
Maari ka pang bumalik sa akin
Ako pa sana ay iyong isipin
Kapag ayaw mo na sa akin
Maglalaho nalang parang buhangin-zark
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Poesieit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.