p6: DITO LANG AKO

68 16 0
                                    

Hindi ko maintindihan
Itong aking nararamdaman
Gulong gulo na ko
Gusto ko na ito ihinto

Walang namang pumipigil
Pero parang nag papapigil
Gusto kong manatili
Kaya lang parang mali
Ay hindi kasi mali talaga
Kasi yung gusto mo iba na pala

Di ba talaga pwedeng ako?
Di ba pwedeng maging tayo?
Kahit ano pa yung nagawa mo
Ikaw parin yung mahal ko

Kahit ilang beses lumuha,
Ayos lang para sayo naman sinta
Kahit ilang beses masugatan,
Ayos lang kung ikaw ang poprotektahan
Kahit ilang beses madapa,
Ayos lang basta ikaw ang kasama
Kahit ilang ulit masaktan,
Ayos lang basta ikaw ang dahilan

Lahat yan kayang gawin
Kung ikaw ang kasama
Kahit akoy maging alipin
Sa pag ibig na kasama ka
Ayos lang sakin

Kaya sana naman
Pag bigyan ang nararamdan
Alam ko ako ay paulit ulit
At sobra na ang kulit
Pag pasensyahan mo na
Pag mamahal ko kasi ay tunay talaga

Kahit na mas pinili mo ang iba
Kapag niloko ka niya
Dito parin naman ako
Lumingon ka lang dito
Sasaluhin parin kita ng buong buo
Walang duda o pag kalito
Dahil di naman talaga nag bago
Ang pag mamahal ko sayo

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon