Nakilala ka ng biglaan
Nagtagpo ng di inaasahan
Ikaw na ba ang kapalaran?
Ikaw na ba ang walang hanggan?
Ikaw at ako ay pinagtagpo
Hinihiling sana'y di magkalayo
Ikaw ang naging mundo
Gagawin lahat para sa'yo
Matagal ka na nakakasama
Ako sayo ay nasanay na
Di ko na kaya pag nawala ka
Di kakayanin pag iniwan pa
Maraming problema ang dumaan
Lahat ay kinayang lagpasan
Kasama ka kasi sa paglaban
Ikaw na sana ang nilaan
Di na tayo naubusan ng problema
Lumuluwag na ang iyong kapit
Nawawala na rin ang init
Ikaw rin ay nanlalamig na
Mag pagsubok ay di na kaya
Ikaw kasi ay sumusuko na
Hindi na kita pipilitin pa
Ayoko ding mahirapan ka
Bibitaw nalang para sayo
Kung ito ang magpapasaya sayo
Magpaparaya nalang ako
Tatapusin na ang tayo
Tayo ay pinagtagpo
Pinagisa ang ikaw at ako
Pero hindi itinadhana
Kaya wala na ang tayo
-zark
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Poésieit's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.
