p13: AKALA

52 11 2
                                    

Lahat ay ayos nung una
Napakaganda ng ating simula
Pero di nagtagal, tama nga sila
Sa simula ay ganun lang talaga
Saglit kang mapapasaya
Sa sakit ay matagal magdudusa

Sabi ko dati di na ko magmamahal
Pero dumating ka, sa'yo sumugal
Sa mga pangako mo na di sigurado
Umasa talaga ng malala at todo
Kasi akala ko lahat yun ay totoo
Pinaasa mo lang din pala ako

Ang mga pangako mo
Pinanghahawakan ko to
Ayoko sanang umasa dito
Pero di ko maiwasan ito
Siguro kasi ikaw nahulog na sayo
Sana di ako nagkamali sayo

Akala ko ikaw na
Akala ko nahanap ko na
Akala ko pangmatagalan na
Akala ko hindi ka mawawala
Akala ko ikaw na magpapasaya
Akala ko iba ka sakanila
Akala ko lagi ka kasama
Akala ko kakapit ka
Akala ko ikaw at ako na
Akala ko lahat ay tama
Akala ko makukuntento ka
Akala ko lang pala....

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon