Sa bawat pag patak ng ulan
Nadadala ang nararamdaman
Pumatak na rin ang mga luha
Ako ay hirap na hirap na
Lalabas pa kaya ulit ang araw?
May makikita pa kayang ilaw?
Nanlalamig na sa lahat
Di na makuntento sa sapat
Wala na kong ibang kasama
Sirang sira na ang tiwala
Binalot na ng kadiliman
Wala ng ibang masisilungan
Pano ba ulit magsisimula?
Pwede bang ulitin sa umpisa?
Sana ay may dumating
Sana ay yung di na aalis
Matupad sana ang hiling
Ako sana ay iyong dinggin
Napapikit ng mariin
Biglang may nasilungan
Dininig ang panalangin
May liwanag na nasilayan
Hindi pa pala dito matatapos
Sa hirap pala ay makakaraos
Biglang huminto ang ulan
Lumubog na ang buwan
Lumiwanag na ang araw
At ikaw ay natanaw
Ikaw ang naging init sa lamig
Ikaw ang naging liwanag sa dilim
Nang ikaw ay dumating
Wala nang ibang hiling
Ikaw na ang naging mundo
Sinalo mo ako ng buong buo
Sana ay ikaw na nga ang huli
Sana ay maingatan na ako muli
-zark
BINABASA MO ANG
EMOTIONS(poems)
Poesíait's all about what I feel, pero sometimes it's about what other people feel kasi I usually write poem base sa experience or sa story ng ibang tao.
