p12: ISA, DALAWA.... SAMPU

69 14 4
                                    

Isa dalawa tatlo
Dumating sa buhay ko
Ang isang tulad mo
Hindi ko man tipo
Kakaiba naman sa mata ko
Ang lahat ng gusto mo
Ay siya namang kabaliktaran ko
Di nga naman nakakapagtaka ito
Sa pag kakaalam ko
Di  talaga ikaw ang gusto ko

Apat lima anim
Dumating ang takip silim
Nag darasal ng taimtim
Laging nandiyaan  kahit sa dilim
Di kayang itago o ilihim
Di ko na talaga maatim
Pinaliwanag mo ang dilim
Binigyang kulay mo ang itim
Pinababaw mo ang lalim
Nararamdaman koy lumalalim

Pito walo siyam
Kay sarap sa pakiramdam
Sayo ay ayoko na magpaalam
Sa iba ay ayaw na kita ipahiram
Dahil sa aking pagkakaalam
Ikaw na lang aking inaasam
Bawat saglit satin malinamnam
Kahit umabot pa ng siyam siyam
Di nagsisi na sinabi ang dinaramdam
Ang mahalin ka ng sobra ay mainam

Sa sampu ay di na umabot
Ang tadhana ay tila nakalimot
Paligid natin naging madamot
Mga problema ay sumipot
Suporta satin naging kuripot
Daanan natin naging makipot
Pagasa ay di na sumulpot
Nawala yung tibay na bumalot
Negatibo satin pumalibot
Sakit satin ang naging dulot

Parang isa dalawa tatlo
Lahat ay mabilis nagbago
Tulad ng apat lima anim
Pagtingin ko'y lumalalim
Kaya nung pito walo siyam
Pareho na tayo ng pakiramdam
Pero nang sampu na
Kung kailan mahal na kita
Tsaka di umayon ang tadhana
Pilit pinaglalayo sa isat isa

Kahit masakit bitawan ka
Kailangan na palayain ka
Tandaan mo lagi sinta
Hindi maling mahalin ka
Panahon lang ang di pa handa
Kapag ang oras ay tama na
Bumilang ka lang ng isa
Hanggang sampu o wala pa
Kung tayong dalawa talaga
Liliwanag ang mga tala
Tadhana na ang bahala

-zark

EMOTIONS(poems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon