Chapter 1
Call
"Whoah. Nice grame bro!" Komento naman sakin ni Christian.
Kakatapos lang namin maglaro ng basketball, next month. February foundation day na ng school namin at sila ang ka team mates namin. Tinanggap ko naman ang high five na inaalok niya. Pagkatapos ay kinuha ko na ang towel ko para punasan ang pawis ko. Uminom narin ako sa bottled water.
"Tara na dude, baka naghihintay na ang girls." Tinapik naman ako sa balikat ni Clark, pinsan ko.
Tumango naman ako sa kanya tiyaka kinuha ang backpack ko. Hawak ko pa din naman ang bottled water habang papunta kami sa room ng Dance club. Nang palabas na kami sa gymnasium ay sumalubong naman sakin si Angelie.
"Kuya! Buti naabutan ko pa kayo dito." Hinihingal na wika niya. Napakunot naman ang noo ko sa kilos niya.
"Saan kaba nagpunta?" I asked. Ngumiti naman siya at nag thumbs up. Umiling nalang ako sa ginawa niya.
"Ayos lang ako. May tiningnan lang ako diyan." She said. Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya.
"Sinong tiningnan mo?" I asked. Namula naman ang mukha niya tiyaka umiling.
"Puntahan nanatin si tita?" Nakangiting wika niya. Ginulo naman ni Clark ang buhok ni Angelie.
"Mukhang nagdadalaga na ang prinsesa namin ah." Natatawang wika ni Clark.
"Tss. Masyado pang bata." Wika ko. Clark chuckled at ngumuso lang naman si Angelie.
Sabay-sabay naman kaming pumunta sa room ng dance club. Sakto naman ang paglabas niya. Kaagad naman ipinalupot ni Angelie ang braso niya sakanya.
"Tita!" asar ni Angelie sakanya. Sumimangot naman si Setiel.
"Angelie Lian!" Suway naman niya.
Lumapit naman sakin si Auntie Setiel at kinuha ang bottled water na may laman pa. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.
"Don't tell me naniniwala ka sa indirect kiss?" Nakangiwing tanong niya. Napailing nalang ako sa utak na mayroon siya.
"At don't tell me wala kang perang pambili niyan?" I asked. Nag make face naman siya sakin bago inubos ang tubig.
"Oh umuwi na tayo." Yaya naman ni Clark. Kinuha na din niya ang bag ni Angelie, dahil medyo mabigat ito.
"Oh." Sabay lahad ni Setiel ng bag niya sakin. Kinuha ko naman ito.
Nauna naman silang naglakad samin. Napailing nalang ako. Tita namin siya pero mas matanda kami ng dalawang taon sakanya, matanda lang ang dugo niya samin. Maaga din naman siyang nag-aral kaya ka-batch namin siya.
"Hayy paano kaya ako magkaka-girlfriend sa dalawang prinsesa natin?" Umiiling na tanog ni Clark."Mabuti pa ikaw may Cassidy na." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Cassidy is just my bestfriend." Wika ko. Clark chuckled then shrugged his shoulder.
"Sabi mo eh." Nakangising wika nito.
Babatukan ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo. Hays. Napailing nalang ako sa pinsan ko. Hanggang sa nakarating kami sa parking lot. Kaagad naman sumakay ang dalawang babae sa likuran.
"I will drive." Clark said, so I throw the key. Kaagad naman niya itong sinalo.
Pumasok na ako sa front seat at busy naman ang dalawang nasa likuran, may kung anong tinitingnan sa cellphone. Pinaandar na ni Clark ang sasakyan, tiningnan ko parin ang dalawa gamit ang rear mirror. May pinakita naman si auntie Setiel sa kapatid ko gamit ang cellphone niya.
BINABASA MO ANG
Almost Eternally [Suarez Series #2]
Teen FictionSuarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when destiny played you? The smiles, the laugh, the sweetness suddenly turn into tears and bitterness. Is...