Chapter 18
Jealous
Mabilis lumipas ang mga araw at patapos na ang bakasyon. Ngayon ang enrollment namin. Magkakasama ulit kami nina Clark, Angelie at auntie.
Pagka-park ko ng sasakyan sa school, kaagad silang bumaba. Bumaba narin naman ako habang hawak-hawak ang envelope na may laman na requirements.
Pumunta kami sa isang room para mag fill up ng enrollment form tiyaka sinama sa envelope namin. Pinasa nanamin ito tiyaka nagpasyang tumambay muna sa garden ng school.
"Nakakamiss ang school pero hindi ang lesson." Clark said. Tumawa naman sina Angelie sa sinabi niya.
"Tamad ka lang. Nakaka-enjoy din naman ang mga lesson eh. Basta ba huwag kang masyadong magpastress." Angelie said.
"Math talaga ang nakakastress. May kaniya-kaniya tayong problema bat pinapasa niya pa sa atin ang problema niya?" Umiiling na wika ni Clark.
"Corny ah." Sagot ni auntie sakaniya.
"Kayo ba anong namiss niyo sa school?" Clark suddenly asked.
"School." Simpleng wika ni auntie. Pinaningkitan naman siya ng mata ni Clark and auntie shrugged her shoulder.
"Lesson. Not just the intellectual lesson but the life lesson." That's my twin.
"Hindi na kita tatanungin, alam ko naman na si Cassidy lang naman." Napa-iling nalang ako sa pang-aasar ni Clark.
Hindi ko na lang siya pinansin sa pang-aasar niya. May biglang lumapit na lalaki.
"Heyyy!" Masayang wika niya.
"Kanina pa kita hinahanap. You didn't reply to my text." Sabay tabi niya kay auntie.
"Ah. Busy lang. Bonding kami ni Angelie, alam mo na malapit na ang pasukan." She said. Tumango-tango si Kobe.
"Miss mo na ba siya?" Nakangiting singit ni Angelie. Iginalaw kong bahagya ang panga ko.
"Oo naman." Walang pag-alinlangan sagot ni Kobe. "Setiel, can I ask something?" Sabay tingin niya kay auntie.
"Hmm?" Simpleng sagot ni auntie.
"Can we go out on saturday?" Kumunot ang noo ko, pipigilan ko sana si auntie ang kaso hindi pa kami nag-uusap hanggang ngayon.
"Saturday? Isama mo ako o kaya si Angelie." Singit ni Clark sa usapan. "Dumaan muna samin ang gustong manligaw sa mga Suarez." Walang emosyong sagot ni Clark.
"Don't worry I will not hurt her." Seryosong sagot ni Kobe.
"I don't trust man words." Simpleng sagot ni Clark. Napairap si auntie.
"Because you know yourself that's why you don't trust man words." Sagot ni auntie sakaniya.
"Hindi naman ako kagaya mo." Kobe said na ikanagalaw ng panga ni Clark.
"Oh really? Sino itong kakabreak lang at nanligaw na kaagad ng iba?" Sarkastikong wika ni Clark.
Bahagya kong tinapik ang balikat ni Clark para pakalmahin. Hindi pa naman mahaba ang pasensiya ng isang 'to.
"Just let Angelie go with you two." Singit ko sa usapan. Magkasalubong ang kilay na tiningnan ako ni auntie.
"What? Didn't I told you na huwag mo akong pakialaman?" Naiinis na wika sakin ni auntie. "Angelie will not come with us. Aalis kami na kaming dalawa lang." Tiyaka ito tumayo at umalis.
I let a heavy sighed. Why is this hard than my thought?
Sinunan ni Kobe at Angelie si auntie na kakaalis lang.
BINABASA MO ANG
Almost Eternally [Suarez Series #2]
Teen FictionSuarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when destiny played you? The smiles, the laugh, the sweetness suddenly turn into tears and bitterness. Is...