Epilogue

6.4K 82 20
                                    

Epilogue

Dream

Sabado. Ngayon ang araw ng pagkikita namin ni Adam. Isang magandang panahon. Napangiti ako at hindi maiwasan ang excitement sa muli namin pagkikita.

Isang denim high waist pants at crop top ang suot ko. Bumaba na ako at nakita si Kuya na nasa baba hinihintay ako.

Nakangiti ako bumaba. Napangiti naman siya nang makita ako lumitaw ang kaniyang mga dimples.

"Basta yung paalala ko ha? Kapag may naramdaman kang kakaiba just press this." Saka binigay niya ang isang remote control na maliit at isang bilog na pindutan lang na kulay pula.

Malawak na ngiti akong tumango at kinuha ito. Nilagay ko ito sa loob ng aking sling bag. Sa kotse ni Kuya ako sumakay.

"Huwag kayong masyadong aalis sa maraming tao. Marami naman ang bantay pero para sigurado." Pagpapaalala sa akin ni Kuya.

"Yes po." Natatawang wika ko. Napailing nalang siya sa sinabi ko.

"Hindi pa masyadong ligtas ngayon, Setiel kaya sana naman huwag niyong baliwalain ang paliwanag ko." Dagdag pa nito. I gave him my genuine smile.

"Yes kuya. Naintindihan naman namin. Besides, sa mall lang naman kami." Which is true, hanggang mall palang kami.

Hindi kami puwedeng magdalawahan kailangan maraming tao para hindi makakilos ang mga masasamang loob na nagbabalak.

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa mall. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Kuya. Hindi parin matago ang excitement sa mga mata ko.

After a week babe.

Sinabi sa akin ni Kuya na sa SB coffee kami magkikita ni Adam. Pasimple na siyang humiwalay sa amin pero alam ko na nakasunod lang siya, sila sa akin.

Nasa labas palang ako ng coffee shop, nakita ko na kaagad ang hinahanap-hanap ng mata ko sa loob ng isang linggo.

Wala parin nagbago sa kaniya. Epekto lang ba ito ng ilang araw naming hindi pagkikita o gumwapo lalo siya? Napailing ako sa naisip ko at pumasok na sa coffee shop.

Tumapat ako sa mesang inookyupa niya nang may ngiti sa aking labi. Dahan-dahan umangat ang tingin niya sa akin at kumurba ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Mabilis siyang tumayo tiyaka ako niyakap ng napakahigpit. I chuckle. Did he miss me this much?

"I miss you." Panimulang bati niya. Me too.

"I miss you so much." Humiwalay siya sa aming yakap and he cup my cheeks.

"Are you alright?" I chuckle. Nag-alala siya ng sobra. Too bad can't communicate that much.

"I am." Nakangiting sagot ko sa kaniya. "Mabait sila sa akin, they treated me as a princess." I honestly said.

Tumango siya sa naging sagot ko at "That's good. So what are your plans for today?" Hindi matakas ang excitement sa tono niya.

"We're legal now. No one can separate us." Parang may bumunot ng tinik sa puso naming dalawa.

Is this is the ending? Well.

Kumain kami sa isang restaurant. Na-orient narin siya ni Kuya kung ano ang dapat at hindi dapat naming gawin. Sinabi narin ni Kuya ang gagawin kapag may mga napansin kaming kakaiba at mangyayaring masama.

"Kumusta kana?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Napansin ko na siya palagi ang nagtatanong tungkol sa akin pero hindi ko pa siya natanong sa nangyayari sa buhay niya.

"Ayos lang. Naghihintay sa iyo." Nakadama ako ng konting konsensiya sa sinagot niya. He's waiting for me.

"Ho-how about mommy?" Medyo nahihiyang wika ko.

Almost Eternally [Suarez Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon