Chapter 26
Kneel
Tahimik kaming sumunod ni auntie sa utos ni lola. Nakita ko ang pagbaba nina Angelie at Daddy dahil narin siguro sa sigaw kanina ni lola sa amin.
"What's happening?" Habang pababa na tanong ni Daddy.
Tumigin si Angelie kay auntie na ngayon nakaupo sa sofa, nakayuko at pinaglalaruan ang daliri sa tuhod niya. Kinakabahan.
"Sinong nakakaalam?" Tanong kaagad ni lola. "Answer me!!" Napapikit si auntie sa sigaw ni lola.
"Cla-clark." Basag na boses na sagot ni auntie.
Lalapitan ko na sana kung saan siya sofa na nakaupo ng bigla akong tinuro ni lola.
"Stop! Huwag mo siyang lalapitan!" Galit na sabi sa akin ni lola.
Napahinto ako sa paglapit at umupo sa isang sofa. Nakita ko parin ang pagtatanong sa mukha ni daddy.
Napa-awang ang bibig ni Angelie at mukhang alam na kung anong nangyayari ngayon.
"Call Kenneth and his family." Kalmado pero nakakatakot na wika ni lola.
Kaagad na sinunod ni daddy ang utos ni Lola kahit wala pa siyang ideya kung ano ang nangyayari ngayon.
Ilang minuto lang ang hinintay namin at dumating na sila. Sa katabing subdivision lang naman sila.
"What happened?" Takang tanong ni tito Kenneth.
Nakasunod sa kaniya si Clark at si Tita na hawak-hawak si Clarisse na mukhang nagising mula sa pagkakatulog.
Umupo si Daddy sa tabi ni Tito Kenneth. At sa isang mahabang sofa na katabi ni Auntie at Angelie umupo sina Tita at Clarisse. Clark is on my side. While lola standing in-front of us. Nasa gitna siya.
"Why do you need to do this?" Hindi maiwasan ang sakit sa boses ni lola. Angelie started to sob.
"What happened?" Ulit na tanong ni tito Kenneth. Kalmado naman kaming pinagmamasdan ni daddy. Auntie is now crying.
"Kailan pa?" Tanong ni lola habang namumula ang kaniyang mga mata dahil pinipigilan niyang umiyak. "Matagal naba?" Dagdag na tanong pa niya.
Ang nakayukong si auntie ay bahagyang umiling bilang sagot sa tanong ni lola. Nanatili parin ang lito sa mga mukha nina daddy.
"How could you do this?" Umiiling pa na tanong ni lola, muling sumingit si daddy sa usapan.
"Auntie, care you tell us what's happening?" Nakakunot na noong tanong ni daddy. Mariing pumikit si auntie at napahilot sa kaniyang sentido. Dumako ang mata sa akin ni daddy na punong-puno ng katanungan. "Adam." Tawag pa niya sakin.
"Adam, Setiel, Clark and Angelie. What's happening?" Walang emosyong tanong ni daddy.
Tanging pag-iyak lang ang isinagot nina Angelie at Setiel, samantalang deretso lang ang tingin sa akin ni Clark na hinihintay ang aking sagot. Pumikit ako ng mariin, kinagat ko ang labi ko at kinuyom ang aking kamao. Kasabay ng pagdilat ko ay ang pag-amin ko ng totoo.
"We have a relationship." Sabay sulyap ko kay Auntie. Nabakas ko ang gulat sa mukha ni tita, asawa ni tito Kenneth. "I'm in a relationship with auntie." Nagulat ako sa sobrang bilis ni dad na kuwelyuhan ako kaya napatayo na ako mula sa pagkakaupo.
"Bawiin mo ang sinabi mo." Matigas na wika ni Daddy. Kaagad na pumagitna sa amin sina Clark at tito Kenneth.
"I can't." I know this is wrong but this is the fucking truth. "That's the truth." Nanghina ang tuhod ni lola kaya kaagad siyang inalalayan ni tita, tahimik lang na nakaupo si Clarisse at pinagmamasdan kami.
BINABASA MO ANG
Almost Eternally [Suarez Series #2]
Teen FictionSuarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when destiny played you? The smiles, the laugh, the sweetness suddenly turn into tears and bitterness. Is...