Chapter 15

1.8K 47 0
                                    

Chapter 15

Drunk

Kagaya nang mga nakaraang araw ganon parin ang trato sa akin ni auntie Setiel.

Ngayon na ang alis namin nina daddy. Apat na araw lang kami sa America. Dahil malapit na ang birthday ni mommy, kaya kailangan ay mabisita namin siya.

Mahabang biyahe ang ginawa namin hanggang sa nakarating na kami. Sinundo naman kami nina Mama at Tito John sa airport.

"Sa bahay na muna kayo tumuloy. Sayang ang pag check-in niyo sa mga hotel. May dalawang bakanteng kwarto pa sa bahay. Pinalinis ko na." Mama said.

Tito John is driving, Daddy is on the front seat at nasa likod kami nina mama. Tumango si Daddy sa sinabi ni mama.

Dalawang kama ang nasa isang kwarto kaya doon kami ni Angelie. Sa sobang pagod sa biyahe kaagad akong dumapa sa kama na ikanatawa naman ni Angelie.

"Akala ko ba sanay kana sa gantong biyahe?" Mapang-asar na tanong niya. "Bilisan mong magpahinga, mamayang hapon pupunta na tayo kay lolo sa hospital." Habilin niya. Tumango ako.

Tatlong oras lang akong nakatulog. At nang maghapon na ay ginising ako ni Angelie para umalis.

Naligo ako saglit at nagbihis ng isang simpleng t-shirt tiyaka ko pinatungan ng jacket. Sa pagkakaalam ko eighty degrees Fahrenheit ang panahon ngayon dito.

Dalawang palapag naman ang bahay nina lola dito kaya bumaba na ako sa unang palapag.

"Kain ka muna?" Tanong ni Mama. Umiling ako.

"Daan nalang tayo sa drive thru." Daddy suggested. Tumango si Mama.

Kagaya nang kanina si Tito ang driver at sa front seat si Daddy. Dumaan kami sa Drive Thru at nag-order ng large fries at burger. Habang papunta kami ay kumakain naman kami.

"Sina Joyce at Grace ay nagbabantay ngayon kasama ng lola niyo." Wika ni mama. Tumango ako. Kaya pala wala sila sa bahay.

Nang makarating kami sa hospital kaagad sinabi sakin ni Joyce ang kalagayan ni Lolo. Sumisikip daw palagi ang dibdib nito at nahihirapang huminga kaya magtatagal siya dito sa Hospital.

Sa apat na araw namin sa hospital, wala kaming ginawa ni Angelie kung hindi makipagkuwentuhan kay lolo at lola. Isang taon narin ang lumipas magsimula nang binisita namin sila rito.

Ngayon na ang huling araw namin dito at mamayang gabi na ang flight namin pauwi sa Pilipinas.

"Ayaw niyo bang mamasyal muna rito?" Mama asked. "Mukhang Hospital tour lang ang ginawa niyo rito sa America ah." She joked.

"Ayos lang naman po, iyon naman din ang pinunta namin dito, ma." Sagot ni Angelie. Tumango si Tita.

"Pero pwede naman kayong i-tour nina Joyce kahit sa malapit-lapit lang diyan." Mama suggested.

Kasalukuyan kaming nanonood sa sala ngayon at kinumbinsi kami ni mama na maglibot naman daw dito sa America.

"Hindi po, ayos lang tiyaka mukhang busy po si Joyce dahil siya ang nagbabantay kina lolo." I said. Umiling naman kaagad si mama.

"Nandiyan si Grace Lae." Wika pa niya. Umiling din kaagad si Angelie.

"Ayos na po, nakapag mall din po kami kahapon para sa pasalubong sa Pilipinas." Angelie said.

"Hayaan mo na silang magpahinga ngayon dahil mahabang biyahe ang iba-biyahe nila mamaya." Tito said.

Dad's upstair. He's resting I guess? Or doing some paper works.

Almost Eternally [Suarez Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon