Chapter 29

2.4K 48 0
                                    

Chapter 29

Setiel Mikaella P.O.V

Parang kailan lang nung una ko siyang makita, nung unang pinakilala siya sa akin ni mama.

Naging magkakaibigan kaming anim, ako, Adam, Angelie, Clark at ang kambal na pinsan nina Angelie sa mother side.

Masaya kaming naglalaro sa play ground dahil hapon narin 'yon hindi na masyadong tirik ang araw. Lagi naman namin 'tong ginagawa. Naglalaro, naghahabulan, nagtatawanan, nagkukuwentuhan, nag-aasaran at hanggang sa mauwi sa tampuhan pero kaagad rin naman nagkakabati.

Isang hapon habang naglalaro kami sa park. May batang babae na tahimik na nagmamasid sa paligid at tahimik na naglalakad hawak ang kaniyang barbie doll. Napatingin kaming lahat sa kaniya dahil ngayon palang namin siya nakita.

Nilapitan siya ni Clark kaya sumunod kami sa kaniya. Tumingin sa amin ang bata.

"Uy bata! Bago kaba rito?" Clark ask. Napalitan ng takot ang mata ng bata nang makita kaming lahat na nakapalibot sa kaniya.

"So-sorry." Kinakabahan na wika nito. Kumunot ang noo naming lahat sa inasta ng bata.

"Ha? Ba't ka nagpapa-sorry?" Nagtatakang tanong ni Angelie.

"Sasaktan niyo rin ba ako? Katulad ng ginagawa ng ibang mga bata?" Inosenteng wika nito. Napabaling ako kina Adam at nakita kong nakagat siya sa labi niya.

"Sino bang nanakit sayo?" Seryosong tanong sa kaniya ni Adam.

Ang kaninang nakayukong bata ay napa-angat ng tingin kay Adam. Nakita ko ang pagkamangha sa mata niya pero kaagad rin itong nawala.

"Yung ibang mga bata." Inosenteng sagot niya, tiyaka pinaglaruan ang mga daliri niya habang hawak ang kaniyang barbie doll.

"Bakit?" Kita ko ang pagiging interesado ni Adam sa bata.

"Kasi hindi raw ako normal. Kasi may sakit ako sa puso." Sumbong ng bata tila kami ang magulang niya at sinusumbong ang mga batang kumakaaway sa kaniya.

"Huwag mo silang pansinin." Kita ko ang pagkagat ni Adam sa labi niya pagkatapos niyang sabihin iyon. "Sama ka samin, laro tayo." Yaya pa niya sa bata.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong ni Angelie sa kaniya.

"Ca-cassidy." Medyo nahihiyang wika ng bata.

Isa-isa kaming nagpakilala sa kaniya at nilapitan siya ni Adam.

Magsimula nung araw na 'yon, may naramdaman na akong kakaiba. Inggit. Naiinggit ako kay Cassidy dahil masyado silang close ni Adam lalo na ng malaman namin na kaklase namin siya.

Isang araw, habang nasa kwarto ako at naglalaro ng barbie. Tuloy-tuloy na pumasok si Angelie sa kwarto ko tiyaka patalon na umupo sa kama ko kaya medyo napatalon din ang aking mga barbie.

"Tita!" Masiglang wika nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman sobrang saya niya?

"Anong meron? Bakit ang saya mo?" Hindi ko mapigilan ang pagtatanong.

"May crush kasi ako." Tiyaka ito humagikgik. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Sino?" Kuryos na wika ko.

"Si Kuya Clark." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinagalitan ko siya dahil pinsan niya si Clark at magkakadugo kami. Nakakadiri 'yon!

Nakurot ko pa siya dahilan ng pag-iyak niya.

"Angelie." Tawag ko sa kaniya, pinunasan niya ang kaniyang luha at tumingin sa akin. "I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin. "But i'm not." I said.

Hanggang sa nag high shool na kami at nawala rin ang nararamdaman na 'yon ni Angelie dahil nakikita niya lang kay Clark ang ideal man niya.

Almost Eternally [Suarez Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon