Chapter 30
Serano
Isang malaking mansiyon at maraming mga nakaitim na lalaki ang sumalubong sa amin.
Binuksan na ang pintuan ng sasakyan at bumaba na ako. Dalawang lalaki ang nasa tabi ko habang papasok kami sa isang malaking mansiyon.
Maganda kaso may awra na hindi ko maipaliwanag.
Pumasok kami sa loob ng mansiyon at sumalubong sa akin ang nagpakilala bilang kapatid ko.
He looks like me.
Napangiti nalang ako ng mapait dahil hindi ko kaagad naisip 'yon. Kaya pala, kaya pala nung hinawakan ko ang kamay niya may kakaiba. Kaya pala, kaya pala lagi siyang nakangiti sa akin dahil kapatid ko siya.
He indeed looks like me but he's skin is more whiter than me. Of course, he's taller. Laging magulo ang kaniyang buhok but that makes him more handsome. Maganda ang kaniyang mata, hindi bilugin at hindi rin chinito, sakto lang. He's always smiling dahilan ng paglitaw ng kaniyang dimples sa magkabilang pisngi.
Nakangiti siyang tumingin sa akin at bigla akong niyakap.
"Finally!" Masayang wika nito.
Nakita ko ang pagbaling sa amin ng mga tauhan na nasa mansiyon. Nakakatakot, parang maling galaw mo lang tapos na kaagad ang buhay mo.
"Cla-clarence." Tawag ko sa kaniya kaya kumawala na siya sa yakap ko. Nandoon parin sa mukha niya ang malawak na ngiti.
Narinig ko ang pagbaba ng isang tao mula sa taas ng mansyon. Tumingin ako sa taong nasa likod ni Clarence habang nasa kanan niya ang isang armadong lalaki.
Natahimik ang lahat at halos hindi makagalaw sa presensiya ng isang matandang lalaki na lumapit sa amin, pwera lang kay Clarence na mukhang sanay na.
"Dad." Tawag sa kaniya ni Clarence. He doesn't look like Clarence, he looks like for someone I know. He's familiar.
"Setiel Mikaella Suarez." Banggit niya sa buong pangalan ko. Tumayo ang balahibo ko sa lamig ng boses niya. "My daughter." Dagdag pa nito.
"You scared her dad!" Sermon sa kaniya ni Clarence.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kung saan kami pumasok kaya napatingin ako sa likod, namilog ang mata ko sa nakita ko. Bakit siya nandito?
"So she's here?" Tamad na tanong nito. Kita ko ang iritasyon sa mukha niya.
"Karl, she is your sister." Umikot lang ang mata niya at tamad na umakyat papunta siguro sa kwarto niya.
"Huwag mo nalang siyang pansinin, hindi niya parin matanggap ang pagkawala ni mom." Tumango ako sa sinabi ni Clarence.
He is two years old older than me and Karl is one year old older than me."Can I hug you?" May pag-alinlangan na tanong ng totoong ama ko.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at pinalupot niya ang kaniyang mga kamay sa akin. Niyakap niya ako.
Kaagad naman akong dinala sa magiging kuwarto ko, malaki naman ito. Pangbabae na pangbabae ang itsura. Pero may kulang, hindi ito ang bahay na kinalakihan ko. Hindi sila ang kasama kong lumaki.
Pero kahit ganon, magaan parin ang loob ko sa kanila, lalo na ngayon na nakilala ko ang ama ko. Hindi siya katulad ng inaasahan ko na delikado at masama. He is a governor kaya marami ang bantay niya because politics is really a mess.
Umupo ako sa tukador ng kuwarto ko at nakaharap sa salamin. Nakita ko ang brush na nakalagay roon tiyaka ko ito kinuha at sinimulan na ibrush ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Almost Eternally [Suarez Series #2]
Teen FictionSuarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when destiny played you? The smiles, the laugh, the sweetness suddenly turn into tears and bitterness. Is...