Chapter 7

2.2K 48 0
                                    

Chapter 7

Suitor

Sa araw din na 'yon, lumabas si auntie Setiel sa hospital. Kaya naman daw niya kasi at hindi siya nabalian.

Hirap siyang maglakad pagdating sa bahay kaya inalalayan ko siya. Umupo muna kami sa sofa sa sala.

"What happened?" Sakto ang pagdating ni dad sa pagdating namin.

"Nagkaroon ng aksidente habang nagpeperform ang pinsan mo." Sagot ni lola.

"Are you okay?" Dad asked. Tumango si auntie Setiel.

"Oo kuya, ako paba?" Ngiti niya. Tumango si daddy.

"Kuya, si Cassidy?" Angelie asked.

"Hinatid nanamin kanina, mukhang pagod." I said. She nodded.

Kinausap ni Daddy ang isang kasambahay para alalayan si auntie Setiel. Binalita narin ni tita na isang linggong suspended si Karl.

Linggo, wala kaming pasok kaya sa bahay lang kami. Wala akong gagawin at naka schedule na lakad.

Pagbukas ko sa kwarto ko, nakita ko si auntie Setiel na naglalakad habang nakahawak sa pader. Tss. Ang tigas din ng ulo neto, sinabi nang magpatulong sa kasambahay.

Inakbayan ko siya para maalalayan, bahagya siyang nabigla sa ginawa ko tiyaka humarap sakin.

"Why didn't you called Ate Linda?" I asked. Ngumuso siya.

"Kaya ko naman, hindi naman ako baldado." She reasoned out. Napailing ako sa sinabi niya.

"Where are you going?" I asked.

"Sa living room. Manonood. Boring sa kwarto ko eh, mas maganda yung madami akong nakikita." She explained. I nodded.

Inalalayan ko siya sa pagbaba at sinabi sakanya na magdahan-dahan sa pagbaba sa hagdan.

Pinaupo ko siya sa sofa sa sala.

"Want some hot chocolate?" I asked. That's always her breakfast.

"Hmm." She nodded at kinuha ang remote ng T.V.

"Wait for me." I said tiyaka dumeretso sa kusina.

Kumuha ako ng isang baso at ng chocolate powder. Sinimulan ko ng magtimpla ng gusto niya. Tiyaka ako kumuha ng cookies sa ref.

Paglabas ko sa kusina para pumunta sa sala. Nakita ko si Angelie, bihis na bihis.

"Where are you going?" I asked. Kaagad siyang ngumuso at nagkamot ng ulo.

"Pupuntahan ko si Dad." She said. Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. "Joke lang." bawi niya. "Pupuntahan ko si Mama Angela. Namiss ko narin kasi sina Joyce at Grace." I gave her a cold stare.

"Siguraduhin mo lang na dun ang punta mo." Banta ko sakanya. She rolled her eyes.

"Oo naman! If you want you can call them!" Pikon na sabi niya. "And nakapagpaalam na ako kagabi kay Daddy. Mas strict kapa kay Daddy, kuya!" Reklamo niya.

She kissed auntie Setiel cheeks and bid her good bye.

"Masyado ka kasing strict." Pagka-upo ko palang sa tabi niya, iyon na ang sinabi niya sakin.

"Mas ayos na 'yong nag-iingat. Babae pa naman kayo." I'm just worried, that's it.

"Baka kapag nagka-girlfriend ka masakal siya sayo ah?" Asar niya sakin. Umiling agad ako.

"I know the limitation, basta ba kasama niya ako sa mga gusto niyang gawin na ayaw ko." Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.

"Ang swerte naman pala niya." Out of the blue, she said that. "Is it Cassidy?" She asked.

Almost Eternally [Suarez Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon