Chapter 25

1.9K 35 0
                                    

Chapter 25

Revelation

Nang makakalma na si auntie, pinasakay ko na siya sa sasakyan at sabay kaming umuwi sa bahay. Wala naman kaming imik sa sasakyan at nanatili lang na nakatunganga si auntie.

Halata parin sa mata niya ang pamamaga ng mga mata niya. Nang makarating na kami, kaagad niyang binuksan ang pintuan at bumaba na ng sasakyan. Napabuntong hininga na lamang ako.

Pagpasok ko sa bahay sumalubong sa akin ang malungkot na presensiya ng bahay. Napakagat ako sa labi ko at pumunta sa aking kwarto.

Pabagsak akong humiga sa kama tiyaka ko nilagay ang braso ko sa aking noo habang nakatingin sa kisame.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko pinagwalang-bahala ko na muna 'yon.

Is this love worth fighting for?

Is this worth it when all the people around us are hurting. It is?

But I will still not give up in our love. We can make it. We can fight this together.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang mga nagmessage sa akin.

Cassidy: I'm sorry. I fell for you. I'm really sorry.

Hindi ko na muna siya nireply-an. I think this is not the right time. We need space. Ayoko siyang paasahin sa wala. Alam kong umasa na siya sa mga bagay na ginagawa ko sakaniya noon. Ayoko naman na lalo pa siyang umasa ngayon baka lalo lang siyang masaktan.

Nakatanggap ako ng message kay Clark.

Clark: Nahatid ko na si Cassidy. Is Angelie okay with it?

Me: She's not.

Clark: As I always saying I'm not in favor with you two. But, can you still fight this? Kahit kaninong mata mali ang pagmamahalan niyo.

Me: You'll understand us when you fall in love.

Clark: I already did. I'm already in love. It's complicated but not complicated like you two.

Me: We will try our best para maintindihan kami ni Angelie.

Clark: Good luck, then.

Napabuntong hininga ako sa sagot niya at binitawan ko na sa tabi ko ang aking cellphone.

Bakit kailangan pang magkaganito? Ganito ba kagulo ang sinasabi nilang pagmamahal?

Oras na ng hapunan kaya nagpasya na akong bumaba.

Gaya noon, nandoon na sina lola at daddy na naka formal attire pa at hindi nag-iimikan ang dalawa.

"Bat may nasesense akong hindi maganda?" Kunot noong tanong ni lola.

"Setiel, Angelie. May problema ba sa inyong dalawa?" Nagtatakang tanong ni daddy.

Tahimik akong umupo sa upuan ko at nilagyan na ng pagkain ang plato ko.

"What happened, Adam?" Baling sa akin ni daddy.

Almost Eternally [Suarez Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon