Chapter 27
Real
Nalaman ko na sa dating penthouse pala ni Daddy tumira sina lola. I tried to go there, pero may mga bantay.
Hindi ko alam kung maganda ang mga bantay para sa seguridad nila o hindi maganda dahil hindi ako makakalapit kailanman kay auntie.
Sinabihan na ako ni lola na huwag nang ulit pa pupunta sa penthouse dahil kung hindi ay lilipat na sila sa mas malayong lugar at ililipat niya si auntie sa malayong lugar.
Nakikita ko naman siya sa school pero may mga matang nakatingin sa amin, lalo na si Clark. He can't do anything but to obey lola and tito Kenneth.
Kagaya ngayon, papunta ako sa classroom namin na ako lang mag-isa. Kakatapos ko lang ipasa ang mga homework namin sa faculty. Ako kasi ang president ng classroom namin.
Umupo ako sa dati kong upuan pero hindi na si auntie ang nasa tapat ko. Lumipat sila ni Angelie sa mas malayo na pwesto sa akin, bandang likod.
Tumingin muna ako sa likod bago kinuha ang isang notebook ko para mag-review. Nakita ko siyang nakatingin sa akin, gumaan naman ang pakiramdam ko ng makita siyang nakatingin sa akin.
Hindi muna siya pinapagamit ng cellphone dahil grounded siya kaya hindi kami nag-uusap simula nang mangyari ang pag-uusap namin nina lola.
Napangiti nalang ako ng malungkot at sinimulan kong basahin ang aking notes.
Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa may naaninag ko na na nakatayo si Cassidy sa gilid ko. Bakit hindi pa siya umuupo? Napa-angat ako ng tingin dahil doon. Isang seryosong mukha ang iginawad niya sa akin.
"Let's talk." Walang emosyon na wika niya.
Napasinghap ako at sinarado ang notebook ko. Nakapamulsa naman akong tumayo, napatingin ako sa gawi nina Angelie na nakatingin silang dalawa sa amin.
"Garden." She said and I nod.
Nauna siyang lumabas sa classroom at sumunod ako. Nakasalubong ko naman si Clark sa paglabas ko ng room.
"Oh? What happened?" He ask. I just shrug my shoulder.
This pass few days, pagkatapos ang pag-uusap namin na isang pamilya. Hindi na ako masyadong kumikibo sa kanila at hindi ako nakikisabay sa pagkain. Ano pabang saysay non?
Nang makarating kami sa garden, naunang umupo si Cassidy sa isang bench. Nakatayo muna ako sa harap niya tiyaka siya nag-angat ng tingin sa akin.
"What it is all about?" I ask. She let a heavy sigh at tinapik ang kaniyang tabi para sabihin na umupo muna ako, so I did.
"Your lola push our arrange marriage." Napakunot ang noo at napakagat ako sa labi sa aking narinig. Walang nasasabi sa akin si Daddy.
"Then?" I ask. Bahagya niyang ginulo ang kaniyang buhok sa sobrang frustrate.
"Did they know what about you and Setiel? I bet they are. Masyado nilang minamadali ang kasal." Paliwanag pa niya.
"What about tita and tito?" I'm expecting na hindi sila papayag dahil unica hija nila si Cassidy at masyado pang maaga para sa kasal.
"Well what do you expect?" She pause. "When it comes to you, wala naman silang reklamo. Kaya pumayag lang naman din sila sa offer ng lola mo." Sagot niya. My expectation is otherwise.
"Hindi ba masaya ka dapat dahil umamin ka sa akin? At ngayon ay makakasal na tayo?" Hindi maiwasan ang pait sa boses ko.
She look me with disbelief.
BINABASA MO ANG
Almost Eternally [Suarez Series #2]
Teen FictionSuarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when destiny played you? The smiles, the laugh, the sweetness suddenly turn into tears and bitterness. Is...