Chapter 16
Feelings
Kaagad akong pumunta sa bar na tinext sa akin ni Angelie. Why did they go to that kind of place?
Mistulang nakikipag-karerahan ako sa daan sa pagpapatakbo ng aking sasakyan. Hindi pa naman maganda ang panahon dahil walan bituin ang nakikita sa kalangitan.
Pagdating ko sa bar, kaagad ko silang hinanap at nakita ko sila sa isang sulok na sofa. She's drinking.
"Kuya." Salubong sakin ni Angelie.
"Go home with mang Caloy, I will drive her home." Matigas na wika ko. Tumango lang siya tiyaka sumunod.
Umupo ako sa tabi ni Auntie, mukhang naparami na ang hard drinks na nainom niya.
"Hey." Bahagyang tapik ko sa pisngi niya.
Napamulat siya tiyaka namilog ang mata ng makita niya na ako na ang katabi niya. Napabalikwas siya sa pagkakaupo tiyaka tumingin-tingin sa paligid.
"Where's Angelie?" She asked. Napakagat ako sa labi ko dahil sa ayos niya, magulo na ang kaniyang buhok.
"Let's go home." Walang emosyong wika ko.
"No. I want to go home with Angelie not with you." May diin na wika niya. Napailing na lang ako.
Pumupungay na ang kaniyang mga mata sa dami nang nainom. Mukhang nahihilo narin siya. What is her problem?
"Pinauna ko na sila ni mang Caloy." I honestly said. She looked at me with a disbelief face.
"No. I don't want to come with you." She said. Umigting ang panga ko sa kakulitan niya.
"Let's go. Wala kang kasama." I said. "Huwag na matigas ang ulo." I added.
Nagtagal pa kami roon bago ko siya napapayag. Kaagad sumandal ang ulo niya sa upuan ng kotse sa dami ng kaniyang nainom.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan, tila ngayon lang ulit nakabuhos sa lakas nito. Hininaan ko naman ang pagpapaandar ng sasakyan.
"We will just go to the penthouse." Wika ko. Mas malapit ang penthouse nina Daddy dito at delikado sa daan.
Hindi siya umimik kaya sinunod ko nalang ang gusto ko. Dati-rati t'wing may problema siya ay ako o si Angelie kaagad ang pagsasabihan niya pero mukhang kakaiba ang ngayon.
Nakarating kami sa penthouse noon ni Daddy. Pagkabukas ko ng pintuan napapanatili parin naman ang kalinisan ng penthouse.
Inalalayan ko si auntie Setiel papunta sa kwarto para makapagpahinga na siya.
Humiga na siya sa kama tiyaka ko tinawagan si Angelie.
"Hello Kuya? Nasaan na kayo? Ang lakas ng ulan." Nag-aalalang wika nito.
"Sa penthouse muna kami matutulog ngayon ni Auntie. Ayos lang kami. Pakisabi na lang kina lola." I said.
"O sige. Ayos lang ba si tita?"
"Yup. She will take a rest." I answered.
Nagpaalam na siya and we both ended the call. Lalabas na sana ako ng kwarto para pumunta sa isang kwarto ng bigla siyang nagsalita.
"How can I stop?" She asked. Napatigil ako sa paglabas ng pintuan pero nanatili parin akong nakatalikod sa kan'ya. "Ilang linggo na akong hindi pinapatahimik ng utak ko, sa tingin ko ito lang ang tanging paraan." Dagdag pa niya.
Nanatili akong nakayuko haharap na sana ako sa kaniya ng pinigilan niya ako.
"Wait! Huwag kang humarap!" Sigaw niya. Sinunod ko siya para masabi narin niya ang gumugulo sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Almost Eternally [Suarez Series #2]
Teen FictionSuarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when destiny played you? The smiles, the laugh, the sweetness suddenly turn into tears and bitterness. Is...