Chapter 2
Blood
Pabalik na kami ni Clark sa room namin pagkatapos ng konting meeting sa team. Tiningnan ko naman si auntie Setiel na busy sa paggawa ng assignment niya. Napailing nalang ako ng hindi niya pala ginawa kahapon o kagabi man lang. Ganon ba siya ka-busy sa katawagan niya? Kinagat ko naman ang labi ko sa naisip ko.
Tinapik ni Clark ang balikat ko at tumawa.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah? Frustrated ba? Bat kinakagat mo labi mo ha, daddy?" Natatawang asar niya, inalis ko ang paglagay ng kamay niya sa balikat ko.
Dumeretso naman akong umupo sa likod ni auntie Setiel, katabi ko si Cassidy, samantala sa tapat naman ni Cassidy ay si Angelie. Sa isang gilid ko si Clark. May space bago ang upuan ng gago.
"Kuya, ano nga kasing ibang tawag sa Second Philippine Republic at kailan nga ulit na stablished?" Tanong sakin ni Angelie, tiningnan ko naman siya ng masama.
"Oh ayan nanaman ang Suarez na tingin eh. Malamig at masungit." Sabay takip ni Cassidy sa mata ko.
"Japanese-sponsored Philippine republic, the puppet state. Established on October 14,1943." Sagot ni Cassidy.
"Bakit hindi niyo ba kasi ginawa kagabi iyang essays?" I asked. Bahagya naman akong nagulat nang humarap si auntie Setiel.
"So what?" Napailing nalang ako sa sagot niya.
"May oras naman kasi kagabi, bat hindi niyo ginawa? Kinain nanaman kayo ng social media." I said. Natawa naman si Clark.
"Ayan nasermon tuloy kayo kay Daddy Adam." Natawa naman si Cassidy. Hinawakan niya ang kamay ko na nakayukom tiyaka ngumiti at tumango sakin.
Napasinghap nalang ako at sinandal ang ulo ko sa upuan. Nagsi-ayusan nang dumating na ang aming teacher. Pareho naman kaming nagtake down notes ni Cassidy.
Nang makaalis na ang teacher namin, panay ang pagpindot ni auntie Setiel sa cellphone niya at may pagkakataon pa na ipapakita niya ito sa kambal ko.
"Hey! Ang lalim ng iniisip ah?" Wika ni Cassidy. Umiling naman kaagad ako.
"Any problem?" She asked. Her face is really angelic.
"Nothing." Nakangiting wika ko. Ngumiti naman siya at pinisil ang ilong ko.
"Akala ko po kasi may problema ka, ang lalim ng iniisip mo. Baka malunod ka." Napailing na lang ako sa sinabi niya. "By the way, free ka ba sa saturday?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.
"I still don't know yet, why?" Ngumiti naman siya sakin.
"Iniimbita ka kasi ni mommy sa birthday niya." Oo nga pala birthday ni tita sa sabado.
"Let me see. Wala pa naman ngayon eh. Starting today, naka-schedule na ang Saturday ko." I assured her. Lumawak naman ang ngiti niya.
"Talaga?! Salamat, Adam!" Maligayang wika niya. Natawa naman ako sa reaksiyon niya, parang bata.
Sumunod kaagad ang next subject teacher namin. Nakinig lang kaming mabuti hanggang sa mag-lunch na.
Sabay kaming naglakad ni Cassidy, dahil siya ang kasama ko lagi kapag kumakain. Ako na ang nag-order ng pagkain naming dalawa.
"Sabi ni Clark may nililigawan ka daw?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya.
"Clark?" Pagsisigurado ko.
"Hmm." Tango niya. "Your cousin." I clenched my jaw at napakagat naman ako sa labi ko.
"Sino ang sinabi niya sayo?" I asked. She shrugged her shoulder and eat her food.
BINABASA MO ANG
Almost Eternally [Suarez Series #2]
Teen FictionSuarez #2 [Completed] When you love make sure you have limitation. But Matt Adam can't limit himself from falling. How can you love that girl when destiny played you? The smiles, the laugh, the sweetness suddenly turn into tears and bitterness. Is...