Chapter - 5 Scarlett

115 9 0
                                    

Pumasok na lang muna ako sa kwarto ko para maghilamos sa banyo.
Habang nasa banyo ako ay nalala ko yung nangyare kagabi kung sino ba yung lalakeng nagbayad nag kinain ko? kung bakit pinatuloy ni mommy si Scarlett sa bahay namin kahit hindi naman namin ito kilala? At kung ano ang mangyayare bukas sa first day of being grade 12 student ko?

Pagkatapos kong maghilamos bumababa ulit ako para kumuha ng pagkain gutom nanaman kasi ako at naabutan ko si mommy na kinakausap si Scarlett. Bago kasi makarating sa kusina ay dadaan muna sa sala.

"Ija kung titira ka dito samin dapat alam mo ang patakaran ng bahay na to at dapat mag trabaho ka" sabi ni mommy na parang tinatakot si Scarlett minsan talaga may pagka strict to si mommy ehh.

"Ahh sige po ano po ba ang patakaran niyo ho dito? " tanong ni Scarlett kay mommy habang nililibot ng tingin ang sala namin.

"Bawal umuwi ng umaga na dapat hangang 12 midnight lang babae ka pa naman, dapat walang may mawalang gamit ng bahay dito kung hindi papalayasin ka namin dahil ikaw ang bago, bawal umalis ng hindi nagpapa alam baka maaksidente ka, bawal makipag away sa ibang maids dito dapat lahat bati para maayos ang trabaho, bawal ang late yan ang pinaka bawal dahil ayokong naghihintay, ayoko ng maarte tandaan mo magtatrabaho ka dito hindi maninirahan ng libre magiging yaya ka lang naman ni sky ng nag iisa kong anak yan lang naman ang trabaho mo dito at ang kapalit ng pagtatrabaho mo ay papatirahin ka namin dito, pakakainin at kung gusto mo pag aaralin ka din kita sa school ni sky, kung maayos performance mo suweldohan kita ng 3,000 a month. Ano ayos na ba yon sayo? " tanong ni mommy sa kanya habang nakatayo sa harapan si Scarlett naka upo kasi siya ngayon sa sofa. Ano daw yaya? Ehh kaya ko naman na ang sarili ko at isa pa mas matanda ako kay scarlet.

"Sige po mam ayos na po sakin yun. Yung anak niyo po ba ay bata pa kaya kailangan ng yaya?" tanong niya kay mommy. Oo nga pala hindi pa pala ako napapakilala ni mommy sa kanya.

"Hindi na siya bata, Sky nak halika dito papakilala kita," tawag sakin ni mom habang kumakain ako ng spaghetti na niluto ni manang uminom muna ako ng juice tyaka lumapit sa kanila.

"Scarlett this is sky my only child siya ang babantayan mo" sabi ni mommy sa kanya.

"Mommy naman matanda na ako hindi ko na kailangan ng yaya at isa pa mas matanda pa ako sa kanya" pagrereklamo ko kay mommy.

"This past few day nagiging sakitin ka kailangan mo ng magbabantay sayo sa school mo pag wala ako dito sa pilipinas" sabi ni mommy habang nakatingin sakin.

"Okay po mom" sagot ko sa kanya dahil ayoko na ng maraming discussion at siya naman ang masusunod.

"Sky pasukan na bukas pwede bang samahan mo muna tong si scarlett bumili ng school supplies?" tanong sakin ni mommy.

"Sige po kakain po muna ako at maliligo" tipid kong sagot sa kanya dahil ayoko naman talaga ng yaya pero wala akong magagawa ehh. Kung tutuusin mukhang anak mayaman din tong si scarlett dahil tisay siya, hindi naman katangkaran, matangos ang ilong, at maganda hindi mapaghahalataan na wala na siyang mga magulang at siya na lang ang bumubuhay sa aarili niya dahil mukhang alagangan alaga ang kanyang balat. Nagsimula na ulit akong maglakad mapuntang kusina para kumain.

"At tyaka pala scarlett don ang kwarto mo sa baba don sa mga maids at wag ka mag alala dahil malinis naman dun at makakapag relax ka pag may pasok na teka nga pala iyan lang ba ang damit na dala mo dito? " tanong ni mommy kay scarlett habang tinuturo yung bag na dala dala nito. Maliit lang tung bag niya siguro konte lang yung laman nun.

"Opo ito lang po" sabi niya sabay yoko.

"Ahh sige. Manang samahan niyo nga ho tong si scarlett sa kwarto niya" utos ni mommy kay manang agad naman na sinunod siya ni manang at sinamahan si scarlett. Ako naman ang binilisan ang pagkain ko at umakyat ulit sa kwarto ko at naligo.

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon