Anooo? Hindi pwede magkatabi kami ni jackford sa likuran! Nooooo wayyyy!
"Skyler are you okay?? tanong sakin ni ate Claudine.
"Yes po" tugon ko kanina pa pala ako dito sa labas ng van.
"Sky dalian mo na ang init init" tugon ni marjo.
Pumasok na lang ako at tumabi kay jackford kasi wala din naman akong choice ehh tyaka ayaw kong masira tong trip namin dahil lang naiinis ako kay jackford. Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko siya naalala ko yung nangyare sa CR. Nag suot na lang ako ng headphone tyaka nag kunwaring busy sa phone at siguro hindi naman makikita ni jackford na naglalaro lang ako kasi naka privacy tempered glass phone ko.
Mahigit 30 minutes din siguro yung layo mula sa windmill papunta dito sa vacation house ng mga jackford. May sarili pala silang beach resort dito and madaming cottage ang available dahil pinasara daw nila ito for tonight dahil nag paplan silang mag bonfire. Alas 4 pa lang ng hapon and nandito ako sa cottage na pinili ko and si ate Claudine ay mag stay daw sa bahay nila which is katabi lang ng cottage na tutuluyan ko. Si marjo naman ay tutuloy sa katabi ng cottage ko and si jared daw tutuloy sa isa pang cottage na katabi din ng bahay ng mga jackford dahil nasa ginta yung bahay nila at napapalibutan ng maraming cottages. Hindi ko alam kay jackford kung saan siya tutulog pake ko ba naman sa kanya diba?
"Sky hali ka swimming tayo! " tawag sakin ni jared. Inirapan ko na lang kasi dahil baka nakakalimutan niya yung ginawa niyang pang aasar kanina and yung pag upo niya sa passenger seat dahilan para makatabi ko si jackford.
"Hoy pangit! " tawag niya ulit sakin tyaka naglakad papalapit sa cottage ko. Nandito ako sa labas ng cottage.
"What? baka nakakalimutan mo yung ginawa mo kanina! " pagtataray ko sa kanya.
"Ayy yun ba? Hehehe sorry na. Inaasar lang naman kita tas bigla tayong tinawag ni marjo and naalala ko na baka mahilo ulit ako pag sumakay ako sa likod ng van" sabi niya na nagkakamot ng batok.
"Akala ko ayaw mo kong katabi? " sabi ko na nagtataka.
"Bat naman kita aayawan? Kahit hindi ka naliligo minsan, kahit amoy araw ka, kahit amoy putok ka kailan ba kita inayawan?" sabi niya na natatawa."Makapaglait to wagas! Hoy sasabihin ko sayo na wala na akong putok! And naliligo ako araw araw kaya hindi ako amoy araw duh?! " sabi ko na natatawa na din.
"Naliligo ka araw araw? Hindi halata ha? So wala ka na'ng putok so it means meron ka nun dati? HAHAHAHAHAHA" sabi niya na pinagtatawanan ako.
JARED'S POV
Hindi ko alam natatawa talaga ako pag inaasar ko si sky mabuti nga hindi siya sakin naasar HAHAHAHA.
"Wala kaya akong putok amuyin mo pa ohhh. Kahit dati wala ako nun" sabi niya sabay taas ng kili kili niya na tumatawa pa.
"Halika na nga skyler kaylie maligo na kang tayo sa dagat HAHAHAHA" sabi ko sabay hatak sa kanya papalabas ng cottage.
"Teka lang! Sure ka na gusto mo talaga ako kasama? " nagdadalawang isip niyang tanong.
"Oo nga sabi kulit ehhh. Diba alam mo naman na ayaw kong sumasakay sa likod ng van kasi nahihilo ako diba? " tanong ko naman sa kanya.
"Uhhmm Oo pero bakit kahapon wala ka nung nagka gulo sa gym? And but parang this past few days parang iniiwasan mo ako? tanong niya pa din na parang hindi pa naniniwala.
"Kasi nagka emergency kila arthur nung hapon na akala ko umalis na kayo kaya dali dali na lang ako pumunta kila arthur and nag paalam kaya ako kay marjo alam niya yun. This fast few days ba kamo? Ehhh palagi nga tayo magkasama wag ka nga! " sabi ko na natatawa.
BINABASA MO ANG
SUDDEN
Teen FictionSkyler Kaylie Scott is the Most Intelligent student in their campus before, but everything has change when Claud Alexis Jackford came. Claud Alexis Jackford is Intelligent, Handsome, Varsity player and He's a Mafia Boss. He transferred in the Black...