Chapter 28 - Enchanted Kingdom

75 3 0
                                    

"So Skyler Kaylie Scott can I court you?" seryosong tanong ni jared sakin.

"Ahhhh? " naguguluhan kong tanong sa kanya.

"HAHAHAHAHAHA JOKE! " tawa ng tawang sabi ni jared na may pahawak tyan pang nalalaman. Tumawa lang rin ng tumawa si mommy.

"Ito naman si sky masyadong seryoso ehh" natatawang sabi ni mommy. Pinagtitripan ako ng dalawang to.

"Pero tita seryoso po pwede ko po bang ligawan si sky? " seryosong tanong ni jared kay mommy.

"Sure you may" nakangiting sabi ni mommy sa kanya. "Si sky ang tanungin mo kung papayag siya" natatawa nanamang sabi ni mommy.

"Sky? " tanong naman sakin ni red.

"Wag mo nga ako pagtripan" pilit na tawa ko ding sagot. Pinagtitripan lang ako ng dalawang to.














JARED'S POV




Ito na yung chance kong manligaw. Natawa lang ako kanina sa expression ni skyler ng tanungin ko siya pero ngayon seryoso na ako sa tanong ko sa kanya.

"Sky seryoso ako" sabi ko ng seryosong nakatingin sa kanya. Ngayon siya naman yung tawa ng tawa. Pinagtatawanan niya na naman ako.

"Balakadyan HAHAHAHAHA matutulog na ako inaantok na din ako tas masama pa din yung pakiramdam ko" sabi niyang natatawa and tumayo na siya. Nilagay niya na sa lababo yung ginamit niyang utensils.

"Hoy! Joke lang HAHAHAHAHA" tawa ko din and nilagay na din yung ginamit kong utensils sa lababo. Hayystt hangang bestfriend zone na lang ba talaga ako? Hangang dito na lang ba?

"Matutulog na ako HAHAHAHAHA goodnight mommy goodnight jared" sabi niya pa bago lumabas ng kitchen.

"Goodnight sweetiieee" pahabol ni tita sharmaine ng papaakyat na si sky.

"Bat di ka pa umamin?" tanong sakin ni tita maine. Nang wala na si sky.

"Hala tita? Ano aaminin ko? " pilit na tawa kong sabi. Nahalata niya kaya na may gusto ako kay sky?

"May gusto ka sa anak ko. Bat di mo pa siya ligawan" tanong niya ulit.

"Wala po akong gusto kay sky" sagot ko tyaka uminom ng coke. Shht na tetense na ako ikaw ba naman tanungin ng nanay ng taong mahal mo kung mahal mo ba yung anak niya di ka ba kakabahan?

"Wag mo ng i deny halata ka jared. Alam kong gusto mo si sky since elementary pa lang kayo pero gusto kita para sa anak ko kaya hinayaan ko lang kayong dalawa at isa pa good influence ka kay sky alam ko yun" sabi pa ni tita sharmaine.

"Tita aamin na po ako. I really like skyler" pag amin ko.

"Like lang di love?" natatawang tanong ni tita sharmaine.

"Ahmm sige na nga po mahal ko po si skyler" nahihiya kong tugon.

"Kung ako sayo anak liligawan ko na si sky baka maunahan ka pa ng iba dyan" sabi ni tita maine at lumabas na ng kitchen.




~~~~~~~~~~~~




SKYLER'S POV

8 AM pa lang ng umaga nagbabyahe na kami nila mommy,jared at scarlett. Pupunta daw kasi kami ng enchanted kingdom. Si jared yung nag da-drive and nakaupo ako sa passenger seat habang si mommy ay nasa back seat at busy sa macbook niya. Katabi niya si scarlett sa likod.

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon