Chapter 7 - Claud

102 8 0
                                    

CLAUD'S POV

Nung natapos yung class namin biglang nagtext sakin si Andrew na may problema daw sa head office mabuti nga ay patapos na nun ang klase ko kung hindi mapipilitan nanaman ako nag cutting.
Nung natapos ang klase namin ay lumabas agad ako para mapuntahan sila andrew at para maayos na din ang problema.
Nung nasa baba na ako ay nakasalubong ko si marjo. Si marjo nga lang ang kakilala ko sa university na to yung mga kaklase ko di ko din naman kakilala lalo naman yung sa ibang section.

"Claud! Halika dito sama ka saming kakain wala ka namang kasama" tawag sakin ni marjo. Malamang wala akong kasama dahil wala naman akong kakilala dito.

"Wag na lang marjs wala akong ganang kumain" I said dahil na din sa pag aalala.

"By the way claud this is Skyler my closest friend" pakilala niya dun sa babaeng nakatalikod.

"Sky harap ka nga sino ba tinitignan mo dyan sa likod? Para kang ewan dyan" ngayon naman yung babaeng weirdo ang kausap niya.

"So Like I said awhile ago claud this is.. " di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil nakakaistorbo na siya at nagmamadali ako. Hindi naman ako interesado sa weirdong babaeng yun.

"Don't waste my time marjo I have to go" sabi ko at tinignan yung orasan ko. Naglakad na lang ako papalayo at hindi ko nakita yung mukha nung babaeng weirdo.

Nung nakalabas na ako nang building namin ay pumunta agad ako sa parking lot ng school na nasa gilid. Dali dali kong pinaandar ang Ferrari f60 America car ko which is from US pa binili ko gamit ang sarili kong pera. Nung nakalabas na ako ng campus namin pinaandar ko na yung kotse ko nang 62mph wala akong pake sa mga ibang sasakyan sa paligid ko wala na akong pake kung may masagasaan ako or what. Kahit trappic ay nakarating agad ako sa head office nang MANACLE. Manacle ang pangalan ng grupo namin na ako namumuno at ako din ang nagpangalan. Nung nakababa na ako ay dali dali akong sumakay sa elevator pataas nang opisina. Habang wala ako dito sa opisina nang grupo namin ay si Andrew muna ang namumuno dahil siya ang kanang kamay ko. Hindi lang ang manacle ang hawak ko marami pa pero ito ang pinaka nasa ilalim ng protekson ko dahil nandito ang mga pinaka pinagkakatiwalaan kong tao. Si daddy at tito din ay mga mafia tinuruan nila ako dahil nung bata pa ako madalas akong mabully dapat daw marunong lumaban.

Nung nasa may pinto na ako kumatok na agad ako pero parang normal lang naman yung nasa loob kasi walang ingay.

"Codename? " tanong nung nasa kabilang pinto.

"Crius" tipid kong sagot. Agad namang binuksan nang nasa kabilang pinto.

"Stellar Crius bat ngayon ka lang? Kanina sumugod dito yung detrimental hinahanap ka" bungad na tanong sakin ni Ivan. Si ivan ang isa sa mga board members nang manacle. Ang manacle ay may isang leader at ako yun, may isang leader assistant at si Andrew yun kanang kamay ko, may 6 na board members si Ivan, Zico, Bryan, Carlo, Matthew at si Marco. Nung nakapasok na ako ay sila agad ang bumungad sakin at mukhang mga problemado.

"Kakatapos lang nang klase ko. Bat daw sila pumunta dito? Ano kailangan nila sakin? " tanong ko sakanila.

"Gusto nila makuha yung pendant nang mommy mo" sabi ni marco na nakatayo din ngayon. Nung sinabi niya yun bigla kong kinuyom ang kamao ko at nakaramdam ulit nang galit bat kailangan pa nila yung pendant na yun? Wala namang sentimental value yun para sa kanila. Pinatay na nga nila si mommy bat pati yung pendant na iniwang alala ni mommy kukunin pa nila?!

"Ano gusto nilang mangyayre? " tanong ko ulit sa kanila.

"Gusto nila makuha yung pendant kung hindi daw nila makuha yun babalik sila bukas nang gabi para patahimikin ka" walang emosyong sabi ni zico.

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon