Chapter 8 - War

111 7 0
                                    

6:55 na ngayon at tyaka pa lang daw dumating ang detrimental. Tan* *na mahigit isang oras nila akong pinaghintay! Maghanda na sila ngayon! Bago ako bumaba ay sinuot ko muna ang itim na mask ko para hindi nila ako mamukhaan pa ganun din ang mga board members isinuoot na din nila ang mask nila pero pula sa kanila at sa mga members nang manacle ay mga pula din sakin lang ang itim.
Sumakay na kaming pito sa elevator at naghahanda na. Yung mga members ay naghagdan na lang dahil nasa 3rd floor lang naman ang head office at yung iba ay nasa baba na. Nung nakababa na kami ay naghihintay na ang detrimental at nasa unahan ang 5 nilang leader yung mga members naman nila ay nasa likod. Yung manacle naman ay nagkalat na sa paligid yung iba ay nasa likod din namin

"Stellar Crius kamusta? Nasan na pala yung pendant? Kailangan kasi namin yun" bati sakin nung leader nila na si Wacky na nakangisi ngayon at nasa gitna. May mga codename talaga ang bawat isa samin para hindi agad matunton kung magkagulo man.

"Ano ba ang kailangan niyo sa pendant ng mommy ko?! Nakakagago lang! Pinatay niyo na nga nang walang kalaban laban ang nanay ko pati ba naman yung gamit na naiwan niya kukunin niyo pa din?! " pagalit na sigaw ko sa kanila at napakuyom ako ng kamao ko.

"Alam mo ba na pure gold ang pendant na yun? Vintage pa naman. Kung ibebenta namin yun alam mo ba kung magkano ang makukuha namin? All most 1.5 million ang halaga nun dahil sa pagkaka alam ko gawang Europe pa yun" nakangisi pa din siya habang nakatingin sa direkyon ko dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya.

"Pag talaga mahihirap mga mukhang pera! Magkano ba kailangan mong h*yop ka babayaran ko?! palibhasa kasi mahirap pa sa daga! " nakakuyom kong sabi. Inisan ang gusto niya edi inisan! Nakita ko sa expression ng mukha niya na nagagalit na din siya.

"Hindi kami mahirap! Gusto lang namin ng pera dahil kung walang pera walang kapanyarihan! kung walang kapangyarihan walang laban! " pasigaw niyang sagot.

"Kawawa ka naman mahirap na nga! mukha pang pera! Uhaw pa sa kapangyarihan HAHAHA let me guess takot ka na ba? Takot ka na ba na matalo ng manacle ang detrimental? Mas makapangyarihan kami sa inyo kung tutuusin kaya ko kayong patayin sa isang iglap lang gamit ang connections ko! Pero dahil mabait ako at hindi naman ako kasing sama ni satanas hindi ko muna gagawin yun. Bubuhayin ko muna kayo para naman may thrill ang manacle dahil walang gustong kumalaban samin maliban sainyo! Mga hangal! Kayo lang naman ang gustong mapatay nang manacle dito dahil sa uhaw na uhaw na pera at kapangyarihan! Kung ako sayo wacky utusan mo na yang mga tuta mo na umalis na dito bago pa kumulo dugo ko sayo at mapatay kitang punyet* ka! Kung mapapatay man kita ngayon kawawa ang mga tuta mo dahil mabibilang din sila sa ilamin ng manacle." pang iinis ko lalo kay wacky para naman magalit siya at mas lalong ganahan na bugbugin ako. Oppsss! Kung mabubugbug niya ako.

"Tan* ina mo Crius puro ka dakdak ka ng dakdak dyan para kang babae! Ibigay mo na lang ang pendant samin para walang masugatan sa mga minions mo! Bat ka ba dakdak ng dakdak bakla ka ba?! HAHAHA Bakla ata to mga pare" pagpapatawa ni wacky na nagsitawanan naman yung mga tuta niya pero halata naman na nagpipigil na siya ng galit. Siya ang pinaka leader ng detrimental, sa pagkaka alam ko siya ang head master at yung 4 na leader pa nila ay mga co-leaders lang. Kaya kung mapapatumba ko tong kutong lupa na to sa harap ng mga tuta niya ay paniguradong luluhod tong mga tuta niya sa harap ko.

"Hindi ko ibibigay sayo yung pendant mukhang pera! Patayin mo muna ako bago mo makuha yung pendant na gusto mo at makukuha mo din ang kapangyarihan na meron ako! " nakangisi kong tugon sa kanya.

"Tama na ang dakdak simulan na ang laban! Matira matibay! " sabi ni andrew na kakarating lang at lumapit sa may tabi ni matt sa gilid. San kaya to galing? Bat kakarating niya lang? Kala ko naduwang na hindi pa pala. May kasalanan pa to sakin pero mamaya na kami magtutuos pagkatapos ng laban.

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon