Chapter 6 - First Day

75 7 0
                                    


Please introduce yourself alphabetical order" at may kinuha siyang papel na sa tingin ko ay names namin mabuti nga "S" na ko. Inuna niya yung mga babae at habang nag iisa isa siya ay may biglang pumasok na lalake magulo yung buhok at magulo yung uniform na parang bagong gising lang. Nang namukhaan ko ay napa "fck shht" na lang ako" bat ba kasi na dinami dami ng school sa pilipinas bakit dito pa??!

"Sky okay ka lang ba? May naiwan ka nanaman ba" tanong sakin ni jared na natatawa. Oo nga pala hindi ko sa kanya nakwento yung tungkol sa lalakeng yan. Pano kung mamukhaan ako nito? Baka mapahiya pa ako?!

"Mamaya na ako sayo magkwekento" sagot ko sa kanyang pabulong kasi nakatingin yung math teacher samin.

"Sige" tipid niyang sagot kasi baka mapagalitan kami first day na first day. Sumiksik na lang ako sa may gilid para hindi ako mapansin ng lalakeng yun. Nasa may bintana naman ako nakaupo kaya hindi masyadong mainit kung sisiksik ako dun. Nagtatakang nakatingin naman sakin si jared habang nakasiksik ako sa gilid.

Bat ba kasi sa dinami daming paaralan nandito pa siya sa school namin? Okay lang sana kung magkaibang section kami ehhh bat andito pa siya sa klase namin?! Sana hindi niya na maalala yung nangyare nun sa CR fck! Sana hindi niya na ako makilala pa at dahil naka make up ako nun baka hindi niya na nga ako mamukhaan tama tama!

"You're Mister?" tanong ng math teacher namin dun sa lalakeng yun.

"Jackford" tipid niyang sagot.

"Why are you late Mr. Jackford? Dapat ito ang last time na malalate ka sa klase ko or dun ka detention office! Get it?! " pagpapahiya ni mam sa kanya. Kaya ayoko ma late ehhh! Ito namang lalakeng to para wala lang sa kanya parang cool na cool lang siyang nakatayo sa harap namin. Akala niya cool na cool siya nun? Ano ikinacool nun? Yung right hand niya nakahawak sa bag niyang at yung isa niyang kamay nakapamulsa.

"Mam does someone tell you what time is it? If doesn't then the exact time now is 7:58 AM. Im not late you're just early" pang pelosopo ng lalakeng to habang hawak hawak yung phone niya at pinapakita samin na 7:58 nga lang. Napatingin na lang si mam sa orasan niya.

"Okay find your seat Mr. Pilosopo and seat down" pagpapahiya ulit ni mam sa kanya.

"Mam MISTER JACKFORD not mister pilosopo at isa pa mam mag ingat ingat ho kayo sa pinagsasabi niyo" sagot naman ni kuyang jackford sabay kindat kay mam. Chickboy ata tong lalakeng to kahit guro namin mukhang trip din niya.

"Bat naman ako sayo mag iingat Mister pilo - pilosopo? " nakangising tanong ni mam mukhang silang dalawa na lang ata ang mag uusap.

"Like I said awhile ago MAG INGAT INGAT HO KAYO SA PINAGSASABI NIYO but I didn't say na mag ingat kayo sakin" pagsagot ulit nitong mokong na. Hindi na ba matatapos ang usapan nila?

"So tinatakot mo ko? Sige tignan natin tapang mo. Kabago bago mo sa university na to ganyan ugali mo? Kaya ka siguro napatalsik sa dati mong pinapasukan ano?!" pagalit na na tanong ni mam hermosa sa kanya.

"Hindi ho kita mam tinatakot pinapaalalahan ko lang ho kayo. Porket ho ba baguhan sa paaralan na to hindi na pwede mag sabi ng opinion nito? Yan ho hirap sainyo ehh porket transferrer wala ng karapatan!" sabi niya habang naglakakad sa may pinakadulong upuan at tyaka tumingin ulit kay mam.

"Okay class let's continue" yan na lang yung sinabi ni mam at inisa isa ulit kami.

Ito na yung kinakatakutan ko! Hindi dahil sa pag introduce, dahil sa baka mamukhaan ako nung Jackford na yun parang walang hiya pa naman yun! Pano kung ipahiya niya ako?!

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon