Chapter 17 - Getting Ready

55 8 0
                                    

Napatulala na lang ako nang ma realize kung sino yung lalakeng pumigil kay joseph..............
...
...
...
..
...... Si claud yun!






"Sino ka ba?! Wag kang make alam dito ha?" sigaw ni joseph kay jackford. Oo nga pala di sila magkakilala

"Ehh ano naman kung make alam ako? Nang babastos ka na nang babae tas magpapatay malisya lang ako?! Kalalake mong tao napatol ka sa babae! Bakla ka ba? " tanong ni jackford kay joseph.

"Hindi ako bakla! Pare piliin mo yung kakalabanin mo ha? Parang baguhan ka pa lang dito pero ang lakas ng loob mong kalabanin ako!" pagyayabang ni joseph.

"Bat sino ka ba? Baka ikaw ang dapat mag ingat sating dalawa! " sabi ni jackford na nakangisi.

"Ako lang naman si Joseph Falcon! " pagyayabang ulit ni joseph.

"Yung may ari ng branch ng jollibee sa Quezon city? Diba mga Falcon may ari nun? Cheap ng business niyo! HAHAHAHA" sabi ni jackford na tumatawa.

"Ano nakakatawa dun? Yes kami nga may ari nun! Cheap mo mukha mo! Ikaw ano ba family business niyo?! " tanong ni joseph kay jackford na nang gagalaiti na sa galit habang si jackford ay nakangisi lang. Varsity player din nga pala to si joseph kaya nandito din siya.

"Ohh bat napunta sa family business namin? Ang point ko dito is wag kang nambabastos ng babae! Parang di ka lalake ehhh! " sabi ni jackford na nakangisi pa din.

"Aangal ka ha? Ang lakas naman ng loob mo! " sabi ni joseph kay jackford na nagpipigil ng galit.

"Oo bakit? May problema?! Wag na wag mong babastusin si sky! " pasigaw niyang tugon sabay harang ng kamay niya sakin.

Ano daw? Sky? Close ba kami? Duhhh? Mga close friends ko lang pwede tumawag saking sky!

"Don't call me sky! Hindi tayo close duhh? " pagtataray ko sa kanya dahilan para pagtinginan ako ng mga tao dito sa gym.

"Pinag tatangol na nga kita!" sigaw sakin ni jackford.

"Sinabi ko bang ipagtanggol mo ko? Hindi di ba? At bat mo ko sinisigawan ha?! " pasigaw ko ding tugon sa kanya.

"Aba! Aba! So ayaw mong ipagtanggol kita? " sabi niya na binaba niya na yung kamay niyang nakaharang sakin.

"Pwede ba?! Wag kayong mag away habang nag papractice kami? Nakaka istorbo na kayo! " sigaw nung coach nila sa basketball dahil nakatayo na din siya malapit samin.

"Sorry po" sabay sabay naming sabi maliban kay jackford at joseph.

"Mag sorry kayo sa isa't-isa hindi sakin" tugon niya na hindi pa din umaalis sa may malapit samin

"Sorry" sabi ni samantha na nag aarte na parang siya pa ang dehado.

"Sorry din" I said in plastic tone para matapos na.

"Sorry" sabi ni marjo tyaka napairap kay samantha. Mabuti hindi yun nakita ni coach.

"Sorry" tugon ni jackford sakin na nakangisi. "What will you say? Nandyan si caoch ohh" pahabol niyang bulong dahil hanggang ngayon magkatabi pa din kami.

"So-sorry-rry" nauutal kong sabi sa kanya dahil parang may nakabara sa lalamunan ko. Ewww! Did I just apologized to him? Duh? Kadiri!











~~~~~~







SKYLER'S POV


Saturday na ngayon at nandito ako sa cr ng kwarto ko para maligo. 7 AM pa lang pero naghahanda na ako para samahan si marjo sa bonding nila ng ate ni jackford kahit ayaw ko naman talaga sumama pero dahil sinabi ni marjo na kung sasama ako kahit ano daw na favor ang hingin ko sa kanya okay lang daw kaya sumama na ako. Nasa kwarto ko siya ngayon siya na daw bahalang pumili ng mga damit na dadalhin ko. Dun daw kasi kami matutulog kung saan mang lupalop yun dahil hindi niya naman sakin sinasabi kung saan.

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon