Chapter 22 - Dark Shadow

64 7 2
                                    


"Ikaw ba naman di matulog magdamag di mo ba mapapansin yung nasa paligid mo? Na experiment ko na yan kanina" tugon niya tyaka umupo sa may katapat ng butas.

"Ohh ano gagawin mo?! " naiinis ko pa ding tugon.

"See the magic! " pagyayabang niya ulit.

"Tsskkk!! ".

"Bat ba inis na inis ka sakin? " tanong niya sakin habang binubuksan yung butas. Hayyssttt experiment na ba tawag niya dyan? Kahit nga grade 1 kayang palakihin ang butas nu ba yan!

"Wala ka na don! " sabi ko sabay bukas ng cellphone ko. OMG!! 3:00 AM pa lang pala di kaya totoo sinasabi ni jackford? Diba pag 3:00 AM lumalabas ang mga multo hindi kaya pati mga aswang?!

"Halika na aalis na tayo" nabuksan niya na nga yung butas lumaki na yun pero mukhang di naman siya doon kasya.

"Sa tingin mo kasya ka dyan?! " pagtataray ko pa din.

"Mukhang kasya naman ako ehh. Mauna na akong lalabas sumunod ka na lang" nakatingin siya sakin ng seryoso na parang hinihintay ang response ko.

"Okay" maiksi kong tugon para matapos na ang diskusyon. Lumusot naman siya doon sa butas at nagkasya nga siya.

"Dali na ikaw naman" sabi niya na naghihintay na sa labas.

"Sa pinto na lang ako dadaan baka kasi di ako magkasya dyan sa butas" sabi ko tyaka akmang maglalakad papuntang pintuan pero nakatimutan ko na pilay nga pala ako ngayon.

"Aray! " napalakas kong sabi dahilan para marinig niya pa din kahit nasa labas na siya.

"Ayos ka lang ba? " tanong niya na may halong pag aalala.

"Yah" pagtataray ko pa din sa kanya.

"Dito ka na lang sa butas dumaan baka magising sila nanay felicidad hindi pa tayo makatakas tyaka baka patayin tayo ngayon dito" seryoso niyang tugon.

"Sige na nga" tugon ko tyaka lumusot na doon sa butas.

"Halika buhatin ulit kita" tugon niya tyaka binuhat ulit ako sa likod niya. Tumango na lang ako bilang tugon.

"Alam mo na ba ang papuntang resort?" tanong ko sa kanya.

"Not yet but you can use your compass right? " tanong niya.

"Sure here" sabi ko tyaka labas ng phone ko at bukas ng compass.

"Hawakan mo na muna buhat buhat kita pano ko pa yan mahawakan? " pagsusungit niya. Anyare? Bat ang bipolar niya?!

"Okay" maiksi kong tugon.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Nandito na ako ngayon sa bahay namin. Di pa din umuuwi si mommy nasa out of the country pa din siya untill now. Nakauwi na din si marjo dahil pagod na din daw siya at pagpapahinga siya. Ganun din si ate Claudine pero missing in action pa din si jackford simula nung makabalik kami sa resort nila dahil daw umalis din daw agad ito muntanga diba?
Si jared naman ang naghatid sakin dito sa bahay namin at may pupuntahan pa daw siya kaya hindi na siya tumambay pa dito samin.

Hapon na ngayon at nandito lang ako sa kwarto ko dahil masakit pa din yung natapilok na paa ko. Napahilot ko na din to doon sa ilocos dahil may pinatawag daw si jackford na magaling na manghihilot bago ito umalis sa resort kaya medyo okay okay na din yung paa ko pero masakit pa din talaga siya.

Lalabas sana ako para tawagin si scarlett pero nasa labas lang pala siya ng kwarto ko.

"Ohh scarlett kanina ka pa dyan? " tanong ko.

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon