Chapter 31 - Sampaguita

72 2 0
                                    

Mas maganda siguro kung papakingan niyo yung song na "ILYSB" by LANY sa chapter na to. ^.^

"Pinky Promise?" tanong niya ulit tyaka nilahad yung pinky niya.

"Pinky Promise" sagot ko tyaka nag pinky promise kami.

"Hoy Claud! Wag mong maturuan si Skyler mag cutting class ha?! Wag mo na siyang igaya sayo! " sabi ni jared tyaka hinila ako papalayo kay jackford. Sumunod pala siya samin nung hinila ako ni jackford papalabas ng classroom.

"Tskk! " tugon ni jackford habang nakatingin samin.

"Halika na nga Sky! " sabi ulit ni jared habang hawak hawak yung wrist ko at hinila ulit ako papalabas ng canteen.

~~~~~~~~~~~

Hapon na ngayon at nandito kami sa school garden para i shot yung group project namin sa 21 century. Dumagdag sa group namin si Madison kasi nag volunteer siya na sa group namin sasali at dahil transferee siya pinag bigyan siya ng teacher namin.

"So guys ano gagawin ko? " malumanay na tanong ni Madison. Nakatingin lang ako sa kanya dahil baka galit siya sakin. Alam kasi nila na kami ni Jackford kahit hindi naman talaga.

"Ikaw na lang yung girl at si Jared na lang yung guy na mag act na boyfriend mo" sabi ni Marjo habang hawak hawak yung script. Hawak ko na yung DLRS ko dahil ako mag eedit at mag vivideo habang si marjo ang director namin ngayon.

Absent si Stacey kasi may sakit at siya yung gumawa ng script habang si Jackford nawawala. Di namin alam kung nasan man siya ngayon kaya nag bago yung plano namin. Mabuti nga yun.

Habang nag shoshot kami ng short film tingin ng tingin sakin si Madison. Dahil lang ba to sa hawak ko yung camera? May dumi ba ako sa mukha? O galit lang talaga siya sakin? Urrgghhh! Bahala na nga ang mahalaga naman ngayon matapos namin yung short film para mapasa na bukas ehh.

Actually bagay sila ni Jared. Magaling silang dalawa mag acting sa harap ng camera at may chemistry din sila. For sure kung nandito si Jackford mag seselos yun.

"Guys late na ba ako? " bungad na tanong ni Jackford.

Speaking of the devil kakarating lang niya at pawis na pawis siya. Sa sobrang pa cool niya naka shades siya at naka jacket pa. Take note hapon na ngayon at wala ng init.

"Where's the sun? " pamemelosopo ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama.

"Honey nag meryinda ka na ba? Kain muna tayo" pag cachange topic niya. Tinignan naman kami ni Madison at ni Jared habang si Marjo ay hindi makapaniwala.

"Wait aalis ka na naman Claud? Isasama mo pa si Sky? San ka ba galing? At tama ba yun narinig kong honey? Kayo na ba talaga? " sunod sunod na tanong ni Marjo na hindi pa din makapaniwala.

"May inasikaso lang ako and Yes kami na ni Kaylie bakit? " tanong ni Jackford kay Marjo tyaka hinawakan yung left hand ko.

"Sky? Totoo ba? " tanong naman ni Jared habang nakatingin lang si Madison na maiiyak na.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Jared at mas lalong hinigpitan ni Jackford yung pagkakahawak sa kamay ko.

"Oo nga Jared ulit ulit tayo ehhh" tugon ni Jackford kay Jared habang hawak hawak pa din yung kamay ko.

"Wag ka nga sumagot Claud pag di ka tinatanong! " inis na tugon ni Jared. Shttt ano ba kasi ginagawa ni Jackford mukhang naasar na si Jared sa kanya.

"Kita mo nang di makasagot girlfriend ko dahil sa kakiligan niya sakin ohh" pagyayabang ni jackford at inakbayan pa ako. Siniko ko yung kamay niya na naka akbay sakin at natanggal na yun.

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon