Chapter 32 - Head Office

92 4 4
                                    

"Marami kayong similarities ni mommy. I remember her in you" seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko na parang may mas malalim pa siyang gustong sabihin at unti unti ng pumatak yung ulan.

"Halika na umalis na tayo dito" sabi ni Jackford at tumayo na. Inalalayan niya naman akong tumayo at lumalakas na ang ulan.

Mabuti sa malapit lang naka parking yung kotse niya at konteng takbo lang ay narating na namin.

"San na tayo pupunta? " Tanong ko sa kanya.

"Sa head office" maiksi niyang tugon at pinaandar na ulit yung kotse niya.

Habang nagmamaneho siya ay wala na ulit na nagsalita saming dalawa. Kinuha ko na lang yung iPhone ko at tinext si Jared.

"Tara na" sabi ni Jackford at bumaba na ng kotse niya. Nandito kami ngayon sa parang lumang building.

Shit! Ano ginagawa namin dito? Sa taranta kong malaman kung nasaan kami biglang nahulog yung iPhone ko sa labas ng kotse kasi bukas yung bintana.

"You're so clumsy" tugon ni Jackford at kinuha yung cellphone ko sa pagkakahulog. "I think you need a new one" dagdag niya at inabot sakin ang kakawa kong basag na cellphone.

Kinuha ko agad yun at tinignang maigi. Hindi lang tempered glass yung nabasag pati na yung mismong screen ng phone ko.

"Baba na" sabi ulit ni Jackford at binuksan yung pinto ng kotse niya para makababa ako.

"Punta tayong mall" wala sa sarili kong tugon habang nakatingin pa din basag kong cellphone.

"HAHAHAHAHAHA you badly need a new phone huh? " natatawa niyang sabi. Tumango na lang ako bilang tugon. Dala ko maman yung debit card ko bibili na lang akong latest na iPhone.

"Tara na after natin dito pupunta tayong mall. May mahalaga lang akong kailangan gawin ngayon dito" sabi niya ulit sakin habang natatawa na naman.

"Okay" sabi ko at bumaba na ako. Hinawakan niya yung kamay ko pagkababa ko at nagsimula nang maglakad papasok sa lumang building.

"Wag ka ng umangal baka may asamang mangyari sayo ngayon rito pag umangal ka" tugon niya habang nakangisi sakin. Napalunok na lang ako sa sinabi niya dahil ang daming lalake ngayon dito sa dinadaanan namin at pinagtitinginan kami.

Mukhang mga hindi gagawa ng maganda yung mga nadadaanan namin at mas lalong hinigpitan ni Jackford yung pagkakahawak sa kamay ko. Ano ba kasi ang gagawin niya dito? Hindi kaya adik siya at mga adik din ang mga kasama niya rito? O di kaya mga magnanakaw sila pero ang yaman naman ni Jackford para maging magnanakaw. Ahhh alam ko na baka drug lord si Jackford at mga adik yung mga lalake rito at yun yung reason kaya ang yaman nila.

Huminto kami sa tapat ng elevator at sumakay siya doon at sumunod na lang ako. Kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator ngayon at ito na yung chance ko para tanungin siya.

"Drug lord ka no?!" pagbibintang ko sa kanya habang nakatingin ng masama.

"Ano? Ano na naman pinagsasabi mo? " nakakunot noo niyang tanong.

"Drug lord ka! Ito yung kuta niyo sa pag gawa ng drugs!" hindi ako nagpatinag sa kanya.

"Tumigil ka nga di naman totoo sinasabi mo" pag mamaang maangan niya.

"In denial ka pa! Sige deny pa! Ang sama mo! Ang daming buhay ang nasisira dahil sa pinag gagawa niyo! " sunod sunod kong sabi sa kanyang pasigaw.

"Wag ka ngang praning dyan! " sigaw niya din sakin.

"Wag mo kong masigaw sigawan ha?! " pasigaw ko pa ding tugon sa kanya. "Tatawag akong police! " dagdag ko at kuha ng cellphone ko sa bag ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SUDDEN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon