SKYLER'S POV
Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ko tyaka binuksan yung flat screen tv dito sa kwarto ko tyaka naghanap ng magandang cd na mapapanood.
Habang nag hahanap ako ng cd ay biglang tumunog yung phone ko. Pagbukas ko si marjo pala yung nag text.
Naghanap na lang ulit ako ng cd pero lahat na to napanood ko. Alam ko na sa flash drive ko maraming bagong movie doon. Agad kong hinanap yung flash drive ko pero hindi ko yun mahanap dito sa study table ko dito sa kwarto. Nandito lang kasi nakalagay sa study table ko yung MacBook ko and yung ipad ko pero hindi ko talaga mahanap kung san ko man nalagay yung flash drive.
"Ate sky ito na po yung popcorn na pinapakuha niyo po" malumbay na sabi ni scarlett habang papasok sa kwarto ko.
"Sige ilagay mo na lang muna dyan. By the way nakita mo ba yung usb ko?" tanong ko sa kanya.
"Hindi po. Baka po nandyan lang po" sabi niya pa din na malumbay.
~~~~~Dinggg Donggg ~~~~~Ding Dong
"Pakihanap na lang muna kasi baka si marjo na yung nag doorbell sa baba bubuksan ko muna" sabi ko ng nakatingin sa kanya.
"Sige po" tugon niya tyaka nagsimula na maghanap sa kwarto ko.
Bumaba na ako sa hangyan at pagbaba ko nakapasok na si marjo. Pinapasok na pala siya ni manang.
"Salamat ho manang" pasalamat ni marjo kay manang. Ngumiti lang sa kanya si manang tyaka umalis na ulit. Mukhang antok na si manang baka matutulog na siya.
"Bebs! Punta tayong boracay next week" nakangiting yaya ni marjo.
"Jusq naman marjo hindi ka ba napapagod? Kakagaling pa lang natin sa ilocos yung isip mo pa boracay na" natatawa kong tugon.
"Ehh kasi ang boring dito sa manila ehh walang magandang pasyalan" natatawa niya din sabi.
"Sige kung hindi busy next week bakit hindi? Pero sa ngayon mag movie marathon na lang muna tayo kasama si scarlett" sabi ko tyaka nagsimula ng umakyat.
"Uhmm sige I brought foods to eat" tugon niya din habang sumusunod na sakin papaakyat.
"That's good! " tugon ko.
"Ate sky ito na po yung flash drive na pinapahanap niyo po" nakangiting sabi ni scarlett habang hawak hawak yung flash drive nandito na kasi kami sa room ko.
"Gooddiieee!!! Goodddiiieeee!! " excited kong tugon. Hindi ko pa kasi napapanood yung mga movie na na download ko doon.
Sinet up ko na yung tv ko and sinalpak yung flash drive. Habang si marjo ay naupo na sa kama ko. Si scarlett ay nakatayo lang sa may pinto.
BINABASA MO ANG
SUDDEN
Teen FictionSkyler Kaylie Scott is the Most Intelligent student in their campus before, but everything has change when Claud Alexis Jackford came. Claud Alexis Jackford is Intelligent, Handsome, Varsity player and He's a Mafia Boss. He transferred in the Black...