CLAUD'S POV
"Hoy claud! Sumusobra ka na! Wala kang karapatang tawagin si sky na bobo at tanga! Kasalanan mo naman talaga kung bakit napilay si skyler kung hindi ka sana nag inarte! " sabi ni jared at tumayo na.
"Ano bang pag iinarte ang ginawa ko? Bat ninyo ako sinisisi? " naiirita kong tanong.
Kanina pa ako nakakahalata na pinagtutulungan nila akong apat. Naiinis na ako.
"Kung sana hindi mo pinili si skyler na maging partner edi sana hangang ngayon ayos pa din yung mga paa niya" sabi ni jared at akmang susugurin na ako. Pinigilan agad siya ni marjo.
"Ehh gusto ko makapartner yung MATALINO" tugon ko na may diin sa pagsabi ng MATALINO.
"Okay sige dahil kasalanan ko naman pala magpapatawag na lang ulit ako ng manghihilot" tugon ko tyaka nilabas yung phone ko."So sinasabi mong hindi ako matalino?! " naiinis din na tanong ni Stacey.
"Pwede ba tarsier wag ka ng dumagdag" sagot ko sa kanya. Napakalma na nila marjo si jared at umupo na ulit ito.
~~~~~~~~~~
"Aray! " angal ni kaylie sa manghihilot habang hinihilot yung mga paa niya.
"Ija sa sunod mag iingat ka ha? Dalawang paa yung napilay sayo" paalala nung manghihilot na tinawagan ko. Tyahin siya ng katulong namin kaya hindi na ako nahirapang maghanap ng maghihilot.
"Opo" sagot ni kaylie nung matapos na yung manghihikot. "Salamat ho" dagdag ni kaylie.
"Walang anuman ija mauna na ako" sabi ng manghihilot tyaka lalabas na.
"Hatid ko na ho kayo" sabi ko at sinabayan siya sa paglalakad.
"Kayo pala si claud. Anak ni Mr. Jackford" panimula ng manghihilot. Naglalakad na kami papalabas ng gate ng mga smith.
"Opo" maiksi kong tugon. Gutom na ako mag lulunch na din ngayon. Ang tagal ng delivery na tinawagan ko din kanina.
"Tama nga sila na ang pogi pogi mo" pambobola ng maghihilot.
"Hindi naman ho" sabi ko ng makalabas na kami ng gate may naghihitay sa kanyang tricycle.
"Sige ijo salamat ha?" sabi nung manghihilot tyaka sumakay na ng tricycle.
Nung maka alis na yung manghihilot ay naglakad na ulit ako papasok sa bahay nila kaylie ng may tumawag sakin.
"Pstt! " tawag nung babae sa labas.
"Ako ba? " maiksi kong tanong.
"Oo ikaw pogi. Halika dito" sabi ulit ng babae na mga ka age ko lang.
"Ohh bakit? " tipid kong tanong ng makalabas na ako ng gate at makalapit sa kanya.
"Ang pogi mo pa picture naman ohh" sabi niya tyaka labas ng iPhone niya.
"Yan lang ba? Tinawag mo pa ako" tanong ko sa kanya ng seryso.
"Opo yiieeee! Papicture pogi" sagot niya.
"Tsskk!! Get yourself lost! " sabi ko ng seryoso sa kanya tyaka pumasok sa gate at sinarahan yun.
"Ang sungit mo naman! Picture lang ehh! Gwapo nga attitude naman! " sabi niyang naiinis.
"And? " tanong ko ulit sa kanya. Hindi siya nakasagot. Naglakad na lang ulit ako papasok ng bahay ng mga smith malay ko ba kung budol budol yung babaeng yun.
BINABASA MO ANG
SUDDEN
Teen FictionSkyler Kaylie Scott is the Most Intelligent student in their campus before, but everything has change when Claud Alexis Jackford came. Claud Alexis Jackford is Intelligent, Handsome, Varsity player and He's a Mafia Boss. He transferred in the Black...