So mas maganda po ata kung pakingang niyo yung kanta ni ate yeng na "Ferris Wheel" while reading this thank you! ♥
"Oo ijo alam namin ang daan papunta doon pero malayo layo yun dito pero bukas na lang namin kayo ihahatid doon dahil delikado dito sa gubat. Maraming mababangis na hayop ang pagala gala dito pag gantong oras lalo na pag mas lumalim ang gabi kaya may mga baril kaming dala. Kung gusto niyo sumama na lang muna kayo samin at doon muna kayo magpalipas ng gabi tyaka bukas ng maaga ihahatid na namin kayo sa resort" tugon ni tatang julyo na nakangiti.
"Sige ho samama ho kami sa inyo" tugon ni jackford tyaka binuhat ulit ako.
Habang naglakad sa gitna ng gubat ay hindi ko maintindihan kung bakit pumayag si jackford na sumama kila tatang julyo.
"Jackford? Bat ka pumayag na sumama tayo sa kanila? " tanong kong pabulong.
"Shhss. No choice na tayo baka matulungan pa nila tayo makabalik sa resort" pabulong niya ding sabi.
"Pano kung mapahanak tayo? " tanong ko ulit.
"Wag ka matakot poprotektahan kita. Kasama mo ako and like I said awhile ago hindi ko hahayaang may mangyareng masama sayo. Mamatay muna ako bago ka nila masaktan" sabi niyang malumanay.
"Okay" sabi ko.
Nakarating kami sa parang maliit na baranggay dito. Maraming bahay kubo ang magkakatabi at mga gasera lang ang gamit nilang liwanag. Maraming mga bata ang sumalubong samin at nag mano sila kay tatang julyo.
"Mabuti ligtas kayong nakabalik sa kampo" sabi nung matandang babae na mukhang ka edaran lang ni tatang julyo.
"Salamat sa panginoong diyos. Felicidad dito muna pala tutuloy ang magkasintahan na ito dahil naliligaw sila sa gubat at malalim na ang gabi upang ihatid namin sila delikado sa gubat" tugon ni tatang julyo dahilan para lumaki mga mata ko.
"Ayy nako hindi po kami magkasintahan hehehe nagkakamali ho kayo" sabi ko na nahihiya.
Ano ba yan! Hindi naman kami magkasintahan ni jackford! Ewwww!!!
"Nakikita ko sainyo ang kabataan namin ni julyo. Ganyan na ganyan din kami nagsimula at tignan niyo mag asawa na kami. Madami na din kaming napag daanan nito ni julyo" natatawang sabi ni aleng felicidad habang nakatingin sa direksyon namin.
"Mag asawa ho kayo? " pag iiba ko ng topic awkward ehh.
"Oo ija nagsasama kami ng halos 6 na decada na. Naalala ko pa noon nang nililigawan niya pa lang ako palagi siyang dumibisita sa bahay namin" kwento ni aling felicidad.
"Felicidad bukas ka na lang magkwento dahil mukhang pagod sila parehas. Maari mo ba silang ihatid sa bakanteng kubo? " pag sasalita ni tatang julyo.
"Sige pero teka kumain na ba kayo? May kamote pa sa kusina teka lang at kukunin ko" naglakad na siya. Mukhang papunta siya ng kusina nila.
"Wag na ho magpapahinga na lang ho muna kami" sabi ni jackford. Sa wakas nag salita na ulit siya.
"Ganoon ba? Sige halikayo nandito yung bakanteng kubo" naglakad ulit siya papunta sa likod ng bahay kubo nila. Sumunod sa kanya si jackford at hanggang ngayon ang buhat buhat niya pa din ako sa likod.
"Salamat ho aling felicidad pero may isa pa po bang bakanteng kubo? " tanong ko.
"Ija pasensya na ito na lang ang bakante at pagpasensyahan niyo na din ito dahil may konteng sira na ito. Isa pa nanay felicidad na lang ija" sabi niyang nakangiti.
BINABASA MO ANG
SUDDEN
Teen FictionSkyler Kaylie Scott is the Most Intelligent student in their campus before, but everything has change when Claud Alexis Jackford came. Claud Alexis Jackford is Intelligent, Handsome, Varsity player and He's a Mafia Boss. He transferred in the Black...